Chapter 10

4 0 0
                                    

Gabi na ng makauwi sila Adam at Meadow.
Hawak ni Adam ang kamay ni Meadow habang naglalakad papalapit sa bahay nila.
Tinitingnan naman iyon ni Meadow dahil hindi niya inaasahan na nasa ganon na silang stage ni Adam, kinikilig-kilig palang siya nitong nakaraan tapos biglang nagconfesss si Adam sa kanya.
Hindi naman talaga siya umaasa lalo na't hindi niya pa sigurado ang nararamdaman niya para dito.

"Adam?" tumigil sa paglalakad.

"Hm?"

Noong humarap si Adam sa kanya, napatanong siya sa isip niya kung anong nagustuhan nito sa kanya.


"Hindi ba't parang masyadong mabilis ang lahat?"

Ngumiti ito.

"Alam ko, pero napatunayan ko na hindi naman dapat pang patagalin kung yun na talaga ang nararamdaman mo diba?
Hindi mo malalaman kung kelan yun dadating...kusa mo nalang mararamdaman..."


"Paano mo ako nagustuhan? Nung nakaraan lang puro tayo away...tapos..."



"Sa tingin ko, nagsimula yon nong first time kong makita kang ngumiti...nung pumunta tayo sa Dagat, kasama si Steve.."



"Doon?"



"Oo, in denial pa nga ako kasi napansin ako ni Steve na nakatingin sa'yo...tapos non, parang excited akong makita pa ang ibang expression ng mukha mo...naging curious na ako saiyo at...hindi na kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita.."



Hindi mapigilan ni Meadow na mamula sa mga sinasabi ni Adam sa kanya na ikinatutuwa naman ni Adam.


"Ang cute mo kapag namumula ka.."


Tinakluban ni Meadow ang mukha niya, inalis naman iyon ni Adam.


"Wag mong takluban yang mukha mo,ngayon ko lang nakita yang expression mo na yan..."



Hindi makapaniwala si Meadow na ganon pala ang epekto niya dito. Ngayon narinig na niya ang mga sagot sa tanong niya...



"Hindi ko alam kung parehas tayo ng nararamdaman , Adam, bigyan mo pa ako ng konting panahon para mapag-isipan ang lahat..." hinaplos ang buhok ni Adam sa may likurang bahagi ng ulo niya."Okay lang ba?"


"Oo naman..."



"O, andyan na pala kayo? Bakit inabot na kayo ng dilim?" si Mang Gener.



"Kumain pa kami 'tay, alam niyo naman itong si Meadow, hindi pwedeng magutom.." sabi ni Adam.



"Adam!" saway ni Meadow.



"Totoo yan...Mahal! Andito na yung dalawa!" sigaw ni Mang Gener.



"Salamat naman sa Diyos at maayos kayong..." napansin ang magkahawak na kamay ng dalawa."nakauwi..." sabay pigil ng ngiti.

Napansin naman nila Adam at Meadow yon kaya agad silang bumitaw.



"P-Pasok na ako.." sabi ni Meadow.



"Si-sige.." sabay kamot sa likod ng ulo.



"Hindi ka ba muna papasok , Sir?" tanong ni Aling Cory.


"Ah, h-hindi na po, uwi narin po ako...am, goodnight po." naglakad na pauwi.


Nagkatinginan ang mag-asawa.


"Ano kayang meron no?" sabi ni Mang Gener.



"Kakausapin ko si Meadow mamaya.."




Unfinished ChapterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon