"Medyo," aniya.

"Iniisip mo pa rin ba kung ano ang iisipin ng mga tao sa atin? Sa relasyon natin?"

"Medyo," aniya. "I'm proud to be in love with you. I just hope that people won't use this to ruin you."

"Now don't be full of trepidation. Hindi ba ikaw ang nagsabi sa akin, don't let people use the ones I love to destroy me? Kaya wala kang dapat ikatakot kung subukan nilang gamitin ka para sirain ako. That won't happen as long as I don't allow it."

She smiled. "I said that?"

"You did," tumagos sa kanya ang madamdamin na pagtitig ng mga mata nito sa kanya. "At kailan pa ba natin ia-announce sa mga tao na may relasyon tayo? Kapag nanganak ka na?"

Nahihiyang napayuko si Bree. She felt her unobvious belly bump.

"If ever," his eyes caught hers, "people attack you personally, bear in mind that people who do that are those who think you're doing a great job they can't find something wrong with it to judge you for, so they stoop low and attack you personally. Okay?"

Bree took in a deep breath and smiled. "I already know that."

"Just making sure," relaxed na nito sa pagkakaupo. "And when people ask us, I'll tell them we're getting married. That's it. Then, we'll marry immediately next week."

Nanlaki ang mga mata niya. "Next week?" humarap siya ng pagkakaupo rito. "At hindi mo man lang ako tinanong ng Will You Marry Me?"

"Because you'll say yes. Ilang beses na ba nating pinag-uusapan ang kasal at oo ka naman ng oo sa akin kapag may naiisip akong plano."

"Oo, pero kahit na! Wala bang pa-surprise? O 'yung dramatic na prank at kapag paiyak na ako, at saka mo ilalabas 'yung singsing? O pwede rin namang ihalo mo 'yung singsing sa champagne!" medyo biro niya.

"Kapag ginawa ko ang mga iyan, imbes na makasal tayo eh baka madamay pa ang baby natin sa sobrang gulat o galit mo. At 'yung sa champagne, baka mabilaukan ka pa."

"Diyos ko naman, nasaan na ang romantic bone mo, Mr. President?" she playfully challenged.

"My romantic bone? Mamaya, sa kwarto," mainit na bulong nito sa kanyang tainga nang maakbayan siya at ilapit nito ang mukha sa kanya. Their intense eyes seductively gazed into each other. He slid his other hand at the small of her waist to push her closer to his chest. Kulang na lang ay isampay na rin niya ang mga hita sa kandungan nito. Their position made them so hot it might burn the whole town into lust paradise. His smile was playful and knowing, Bree's was a smirk that subtly suggests something sexy. His hand slipped slyly under her tight skirt, roughly and slowly stroked her thigh. "Pwede pa naman, 'di ba? Three months pa lang naman."

Kinurot niya ito sa tagiliran. Dumaing ang lalaki na natatawa.

Nang mahawi ang tawanan, humiwalay ito sa kanya. May dinukot sa bulsa ng suot nitong slacks.

"Bree, para sa Bonifacio Day, babasahin ko itong na-research ko sa internet," buklat nito sa nakatuping papel. "Gusto ko kasing i-focus ang tema ng speech ko sa pagmamahal sa bayan ni Andres, pagmamahal na katulad ng sa kanyang asawa. At sa letter niyang ito, pinaparating ni Andres na kung ihahalintulad ito sa isang Presidente na nagbibigay ng mensahe sa mga nasasakupan niya, ang scenario rito eh, kung nawawalan sila ng pag-asa na magagawan ng paraan ng Pangulo na iahon ang bansa, nagkakamali sila. At dapat na manatili ang faith nila, at huwag silang susuko sa paniniwala at pagtulong sa pag-unlad ng Pilipinas."

Bree scooted closer to him to peek at the paper Virgo unfolded.

"Maganda. Ang ganda ng tema ng speech mo."

SlideWhere stories live. Discover now