Chapter 22: By Chance

23.1K 498 48
                                    

NASA LOOB NG PRIBADONG DINING ROOM ng Hyatt Hotel si Virgo kasama ang kanyang mga kapartido. Lima sa mga ito ang nanalo noong nakaraang eleksyon sa pagka-senador, ang ilan naman ay kinailangang mamahinga mula sa pagseserbisyo dahil sa pagkatalo sa tinakbuhang mga posisyon. Ilan lang naman ang nakarating pagdating sa mga gobernador o mayor na kanilang kaalyado. Ang tumatakbo namang bise-presidente niya na si Pacito San Juan ay hindi makakarating dahil sa personal na rason na ayaw nitong ibahagi.

Bumungad ang malaki at pahabang mesa roon. Maayos ang pagkaka-set ng mga kubyertos ang pagkain na lamang ang hinihintay. Matapos ang kamustahan, nagsipag-upuan na ang lahat nang makumpleto.

Tumayo ang pinuno ng kanilang partido, si Senador Julian Herrera. The man in his formal suit was already in his seventies, but sharp and presentable. He lifted his wine glass to propose a toast. Glasses tossed and tinkled. Nagkanya-kanyang inom sila. Sumisimsim lang ng alak si Virgo nang mapuna ang pagdako ng tingin ni Senador Julian sa kanya.

"Siguro naman aware ang lahat," saad nito pagkalipat ng paningin sa iba pa nilang mga kasama, "na malakas ang laban ni Senador Virgo sa pagkapangulo."

There was a wave of hush and agreeing nods here and there.

"Alam niyo na siguro ang ibig sabihin nito," ngiti ni Julian, "na maaaring ito na rin ang maging huli nating pagpupulong na ako ang party leader ng ating partido."

Muling umahon ang halo-halong opinyon at reaksyon, mga bulung-bulungan at kaswal na pagsalit ng sulyap ng mga kapartido sa kanya.

Virgo humbly smiled. "Parang hindi ka rin naman mawawala, Senator," wika niya kay Julian. "Kanino pa ba ang ako kokonsulta at hihingi ng payo? Isa ka sa mga taong maaasahan ko pagdating sa ganoong mga bagay."

Tumayo si Virgo para tuluyang angkinin ang atensyon ng lahat. Bitbit niya ang wine glass na ininuman.

"Kung hindi na rin dahil sa pag-uudyok mo na tumakbo ako sa pagka-pangulo, kung hindi dahil sa tiwala mo sa kakayahan ko, at sa tulong ng ating partido, hindi naman siguro magiging ganito kalaki ang tsansa ko na manalo sa eleksyon."

Karamihan ay tumango-tango. Lunod sila sa papuri mula kay Virgo dahil napansin ng binata ang parte nila sa tatamasain nitong tagumpay.

"Kaya naman," ngiti ni Virgo bago inangat ang baso, "cheers para kay Senator Julian."

"Cheers!" halos koro ng lahat na inangat ang kanilang mga baso.

"Cheers para sa Partido Filipino," taas niya ulit ng baso.

"Cheers!"

Makahulugan ang ngisi ni Virgo bago sumayad ang gilid ng baso sa kanyang mga labi. He sipped his wine and the rest followed.

.

.

BREE COULD NOT CONTAIN HERSELF. Nakapasok na siya sa loob ng Hyatt Hotel, panay ang gala ng paningin sa paligid ng magarbong istraktura. May Victorian Era feel ang interior ng hotel, dominante ang kulay puting pintura na abot hanggang sa kisame at ang kulay ginto na mga accent. Nakabitin ang pilar na mga chandeliers na matingkad na dilaw ang liwanag na binibigay.

Alam niyang halos pinagtitinginan na siya ng mga taong napapadaan, maging ng mga bellboy doon at iba pang staff. Hindi nababagay kasi sa pormalidad ng lugar ang kaswal niyang kasuotan.

Pero hindi ba, hotel ito? Bakit kailangan na sobrang pormal ang kasuotan ng mga guest?

She approached the receptionist and asked for Krista. Nangingilalang tinitigan siya nito. Sigurado si Bree na napapaisip ito kung saan siya huling nakita dahil pamilyar ang kanyang mukha.

SlideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon