Chapter 5: Rivalry

36.7K 635 35
                                    

EVERY FIBER OF HIS MUSCLE ACHED, but Virgo still appeared in the Ferdinand family's private vacation house in an exclusive villa in Tagaytay. Napagpasyahan na rin niyang doon na lang makikitulog.

Normal kung titingnan mula sa labas ang vacation house na gawa sa kahoy ang exterior na may dalawang palapag.

Ngunit pagkapasok niya sa loob, pinagbuksan siya ng dalawang bantay ng pinto. Nakasuot ang mga ito ng suit na itim. Hindi man kita, alam ni Virgo na armado ang mga ito.

His leather shoes tapped on the polished wooden floor, demanding attention, displaying authority. Tahimik na sumunod ang tingin ng nagkalat na mga tauhan ni Jordan bago siya huminto sa gitna ng malawak na salas.

Halos walang mga gamit doon. Isang sofa set lang na nakaharap sa glass wall. Makikita sa glass wall ang tanawin ng Taal Lake, ngunit gabi na kaya kadiliman at ilang maliliit na nagkalat na ilaw ang makikita roon.

Sumulpot mula sa kanan niya si Jordan, nasa likuran nito ang tauhan na mukhang in-inform ang pinsan sa kanyang pagdating.

Jordan wore a white polo-shirt. Bukas na ang butones ng mga iyon at kapansin-pansin na may namumulang marka sa dibdib at gilid ng leeg nito. His hair was a thick, curly mess. Mukhang nakatulog na rin ito dahil sa bahagyang pamumula ng bagong mulat na mga mata.

He was naturally rugged, contrasting Virgo's neat appearance. Pero malamya ang presence at medyo totoy pa rin ang dating sa edad na 28. Sa tingin nga ni Virgo, ganoon ang ayos ng pinsan sa kagustuhang mapagtakpan ang pagiging totoy. But looks could be really deceiving. People's underdog impression of Jordan helped him wrap people around his fingers. Him looking harmless made people want to protect him.

Like these armed guards working for him.

"Virgo," akbay nito sabay tapik sa kanyang balikat. Binilisan niya ang lakad patungo sa glass wall para maalis ang kamay ng pinsan.

Maluwag ang ngiti nito nang lingunin ang mga tauhan. He waved his hands, gesturing them to leave. Tahimik na sumunod ang mga ito hanggang sa silang dalawa na lang ang natira sa silid.

Nakatayo na si Virgo sa harap ng salamin, kinakapa ang pack ng sigarilyo sa bulsa nang maramdaman ang paglapit ni Jordan.

"Akala ko hindi ka na darating. Nakatulog na kami ng mga--" pinutol nito ang sasabihin, napayuko at natawa nang maalala nito ang kapilyuhan bago nagnakaw ng tingin sa kanya.

Virgo remained serious. Naipit na niya sa pagitan ng mga labi ang sigarilyo at sinindihan iyon. His eyes were sharp as he watched their reflection on the glass wall.

"Don't… Just don't mind what I was doing earlier. Just a threesome or four… girls…" he shook his head and smiled, "whatever. So  how are you?" Luminga-linga ang pinsan na parang naghahanap ng kasama niya.

Hinarap na ito ni Virgo. Binugahan ng usok. Saktong harap ni Jordan. He just blinked. Sanay na naman ito sa paninigarilyo niya.

"Where's Bree?" tanong nito na para bang dismayadong bata.

He gave Jordan a cold stare. There was a creepy chill in his sinister smile as his fingers held the cigarette away from his lips.

"Why do you think I'll bring her here with me?" was his rough reply in a low tone.

"You read my text, didn't you?"

"You asked How's Bree?"

"At kung makakabisita ba kayo rito," gusot ng mukha nito.

"Why would I fucking bring her to the family's vacation house?" he coolly grinned.

Lalong sumimangot ito. "Because she's invited," napipikon na nitong saad.

SlideWhere stories live. Discover now