Chapter 4: Deserving

41.6K 764 27
                                    

TUMAWA LANG SI BREE. She was amused, but not Manager Ken. Nanatili siyang nakaharap sa salamin ng dresser table, nagsusuklay ng unat niyang buhok. She needed to feel fresh to be comfortable in her sleep. Kaya bagong paligo na naman siya.

Isa pa, ngayong gabi niya malalaman kung tototohanin ni Virgo na bibisita ito kapag hindi niya sinagot ang tawag. Kung dadating nga ang lalaki, maganda nang mabango siya nitong madadatnan… Maybe that would lead them to one last fuck before she says no to him again.

Bad, Bree. You're so, so, bad...

Hindi niya rin talaga masasagot ang tawag ng lalaki dahil kay Manager Ken. She put her phone in silent mode. Bigla kasing bumisita si Manager Ken para manermon. Hindi pa kasi ito nakuntento sa phone call. Baka lalo lang magkagulo kapag natiyempuhan nito na tinatawagan siya ni Virgo. May inasikaso lang ito na isa sa mga talent na mina-manage kaya ganitong oras na siya nito nabisita.

"Bree, ilang taon ka na sa showbiz. You should display some maturity!" sermon na naman nito, lalo tuloy lumalalim ang mga guhit sa noo at numinipis ang buhok.

"I know, and I am being mature," nakaw niya ng tingin sa repleksyon nito sa salamin.

In fact, so mature. Rated X mature kanina…

Pinigilan niya ang mapangisi na naman dahil naalala si Virgo.

Ang lalaking iyon. Ang bilis niya yatang nahumaling sa akin. Ganoon nga yata kapag nasarapan sila. Hindi ka na tatantanan.

"Mature? Tinakbuhan mo ako! I don't even know kung saan ka pupunta!" nag-aalala talaga ito.

Medyo nakonsensya tuloy si Bree. And yet, she didn't want to make that obvious.

"Matanda na ako. Okay naman siguro na hindi lahat ng lakad ko ipapaalam ko pa sa iyo. Lalo na kung personal naman, para hindi ka na nagwo-worry diyan."

Napatitig lang ito sa kanya. "Alam mo," anito, "nitong nakaraan, nag-iisip ako kung magreresign na ba ako bilang manager mo."

Tumigil ang kamay niya sa pagkilos. Bree let out a scoff.

That's what they always do, right? They leave her.

Pero bakit may kurot pa rin sa puso niya kapag may nagpapaalam?

"Do what makes you happy. Hindi ka naman pinipilit na mag-manage sa akin," patuloy niya sa pagsusuklay. She wore courage to fight her tears. "Sa una pa lang, sinabi ko nang mahihirapan ka sa akin."

Dama niya na may gusto itong isagot. Bumuka ang mga labi nito, nahigit ang paghinga, natigilan, at sa huli'y tumikom na lamang.

"Get some sleep. Alam kong napagod ka rin sa rehearsal kanina." Mababa na ang boses nito.

Buti nga at may tinira pang lakas si Virgo sa katawan niya para makapag-rehearse ng song and dance number kanina. First time niyang mag i-intermission number sa isang noontime show para i-promote ang pelikula kasama sila JD at Leticia.

Hindi siya sumagot. She faked a slight smile and looked at herself in the mirror.

Umatras na si Manager Ken, palapit sa naiwang bukas na pinto ng kanyang kwarto.

"Night," paalam nito bago tuluyang umalis.

Hinayaan ni Bree na manuot sa kanya ang katahimikan ng buong bahay. Mag-isa na ulit siya. Now the house is the most peaceful place. Napahinga siya ng malalim, naguguluhan kung ano ang mararamdaman dahil sa pagbabadya ni Manager Ken na iiwanan na siya. She smiled bitterly.

Nilisan na niya ang dresser table at umupo sa kama. Nilingon ni Bree ang cellphone. Now she was wishing Virgo would not drop by. Gusto niyang uminom ng konti. Gusto niyang mapag-isa.

SlideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon