Chapter 63: Home

23K 605 119
                                    

MARCO, naniniwala ako na alam mo ang gagawin. Don't let them hurt you! Sisishin ko ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa iyo!

Bree's mind dashed as fast as her feet did. Sa sobrang sukal at dahil sa maliliit na mga bato kaya hindi maiwasang medyo matapilok siya.

"Bree!" narinig niyang tawag sa kanya.

She turned and saw Jordan, carrying a gun with him.

Paano niya ako natunton? Paano niya nalamang nandito ako!?

She heard his loud, taunting maniacal laughter before firing her a warning shot.

"Iyan ang gusto ko sa babae, Bree! 'Yung medyo pakipot! 'Yung nagpapahabol!"

Panay ang paroon niya at parito. The costume she was wearing was only slowing her down. Panay kasi ang pagaspas din ng tela niyon at nasasabit minsan sa mga nakausling sanga ng mga puno.

Kailangan kong mahubad ito! hanap ng mga mata niya sa pwedeng pagtaguan.

"Masarap ka sana! Kaya lang, dapat ka nang mamatay! Dapat lang iyan dahil sa pagtalikod ni Virgo sa mga plano namin! At ikaw ang malanding nagbago sa isip niya!"

It would be useless to talk back to Jordan. He was clearly out of his mind.

Psychologically insane.

Pagod na siya at panay ang lingon sa likuran. Nang hindi makita si Jordan, mas lalo siyang nag-alala. Mabuti sana kung may ideya siya kung gaano kalapit o kalayo ang lalaki. She halted and decided to make a turn instead of running further.

Napatili siya nang matiyempuhan ng isa sa mga tauhan ni Jordan na nagpanggap na stuntsmen.

"Halika rito!" unat ng kamay nito para hablutin siya pero tinabig iyon ni Bree at mabilis na umiba ng direksyon na tinakbuhan.

Hindi rin ako dapat lumayo masyado. Mahihirapan sila Marco sa pagtunton sa akin. Ang dapat kong ma-execute ng tama ay kung paano ililigaw sila Jordan!

May inikutan siyang mga puno. Minsan ay dumapa siya para makubli ang sarili nang may matanaw na nakatalikod na lalaki mula sa kanyang direksyon. She crawled and got back on her feet to sneakily walk around. She ran when a goon sees her and starts to chase.

Sa sobrang pagod, unti-unti nang naging mabagal ang mga hakbang niya. Sobra ang pamimigat ng kanyang mga binti. Until she heard the crisp running of water behind some tall, dry plants. Binaybay niya iyon hanggang sa makita ang isang sapa. Sa kabila niyon, may mga naglalakihang bato. Bree looked around.

Hindi nila ako nasundan.

Nagmamadaling hinubad niya ang costume, naiwan na lang sa kanya ang hanggang-tuhod na cycling shorts na itim at tube top na puti. Tinanggal niya ang pagkakatali ng buhok at magulo na pinusod iyon bago siya lumusong sa tubig habang bitbit ang veil. Kung sakali kasi na malalim ang tubig, gagawin niya iyon na floatation device. May napanood siya na jeans na ginawang parang salbabida. Hindi siya sigurado kung tatalab din iyon sa telang dala niya, pero sobrang desperado na siya at ito lang ang mayroon siya sa ngayon. She would use anything available just to get away from Jordan.

.

.

NAGKAKAGULO NAMAN ANG MGA staff sa viewing deck na iyon nang huminto ang convoy nila Virgo. Mabilis siyang bumaba, nakabuntot ang mga PSG niya para usisain ang mga ito. He grew frustrated because his presence only doubled their shock. Ang bawat lalapitan niya ay napapatanga dahil hindi makapaniwalang kinakausap niya ang mga ito. Ang ending, halos hindi nasasagot ang tanong niya.

"What happened?" hablot niya sa isa pang crew na napatitig sa kanya bago takot na nagpumiglas para tumakbo.

"Sir," lapit sa kanya ng isa sa mga PSG, "may binaril daw po na isa sa mga crew nila at nawawala si Miss Bree."

SlideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon