Chapter 30: Election Day

21.2K 462 22
                                    

BUKAS ANG RADYO HABANG nakaupo si Bree sa backseat niyon at nakatingin sa kanyang cellphone.

Good luck|

Her thumb was hovering over the keyboard on her phone's screen. Kung papadalhan niya ng mensahe si Virgo, baka hindi rin matanggap ng lalaki. Hindi ba ang sabi nito, magpapalit na ito ng cellphone number? He would even call her up so she'd know his new number.

Kaya lang, hindi naman tumawag ang lalaki kagabi.

Baka hindi ito nagpalit ng sim card.

Kaya lang, ulit, hindi naman ito tumawag kagabi.

Ano'ng oras na ba sila natapos mamasyal ni Mayor Ikay sa Manila Bay na iyon? bura ni Bree sa text message.

"Oh, umagang-umaga ganyan ang hitsura mo," puna sa kanya ni Manager Ken na abala naman sa pakikipag-chat sa nobyo nito na nauna nang bumoto.

"Inaantok pa ako," dahilan niya.

"Ang sabi ng darling ko," de-kwatro nito habang sinisilid sa front pocket ng fitting polo nito ang cellphone, "tamang-tama lang daw ang dating niya doon sa precint niya. Halos wala pang tao, at saka hindi pa kumpleto ang mga election staff na naka-assign sa bawat silid na siyang mago-obserba at maga-assist sa mga botante."

Bree yawned. "See? It's too early."

"Mabuti na rin na maaga tayo. Siguradong siksikan ngayon sa—" natigilan ito nang huminto ang kotse nila sa tapat ng gate ng isang eskwelahan. May mangilan-ngilang tao na roon na palakad-lakad.

"Sarado po ang gate," anunsyo ng driver sa kung ano ang obvious sa kanilang paningin.

They collected themselves. Naunang lumabas si Manager Ken dahil nasa side nito ang paaralan. Umusog si Bree para sumunod dito.

Sumalubong sa kanya ang haplos ng mainit-init na hangin. Naroon pa rin ang amoy ng bukang liwayway, ngunit maalinsangan na ang pakiramdam sa kanyang balat. Kumakalat na sa kalangitan ang dilaw na liwanag ng araw. The white wisps of clouds and dark blue sky made the sun light look like water spilled on yellow paint.

Alam na nila ang sarili nilang mga precint number, hahanapin na lang iyon. Sa paaralang ito, si Bree lang ang botante. Summa lang si Manager Ken para matulungan daw siya nito kung sakaling pagkaguluhan siya.

Tinahak nila ang school grounds patungo sa malaking paskil sa entablado kung saan makikita ang tarpaulin na may mapa. Nasa mapa ang mga silid sa paaralan na may kaakibat na precint number. Then, they immediately headed to one of the school building's second floor.

Nagulat ang guro na nasa silid na may precint number niya. Napamaang at napatitig sa kanya habang tsinetsek naman ni Manager Ken ang nakadikit na listahan ng mga pangalan katabi ng nakasulat na precint number. Kinumpirma lang nito kung naroon ang pangalan ni Bree bago sila matiyagang naghintay.

Nawala rin ang pagkamanghang mga guro kay Bree, tinuon na ng mga ito ang pansin sa pagsipat sa voting machine at pag-aayos ng mga papel-papel.

Then, it was already 6 AM. Hindi pa rin sila pinapapasok. Humaba na ang pila at halos nakabakod na si Manager Ken dahil sa dami ng mga gustong magpa-picture kay Bree. Karamihan ay mga kalalakihan. Nakahinga ng maluwag ang manager pagkatapos dahil hindi naman kasing gulo ng iniisip nito ang naging approach kay Bree.

Nakakailang nga lang kasi kahit tapos nang magpakuha ng litrato at video greet ng mga ito, panay naman ang titig o nakaw ng sulyap sa kanya.

Bree just hugged herself. Nakasuot siya ng fit na fit na t-shirt na pink at jeans na yumayakap sa kurba ng kanyang balakang, mga hita at binti. Her damp hair was combed neatly, a few strands cascade over her shoulders.

SlideWhere stories live. Discover now