"Jaise? Honey. Wake up." Malambing niyang gising sa dalaga. Nakaupo siya sa tagiliran nito.

Dumilat naman ang mga mata nito at ngumiti sa kanya. Parang dinamba ang dibdib niya sa sobrang kaba ngunit puno ng tuwa. Sino ang hindi kakabahan kung ang ngingiti sa kanya sa umaga isang diyosa na katulad nito? Parang na siyang namatay at umakyat sa langit, muling pinababa para masilayan lang ang ngiting nakapagtuliro ng pagkatao niya.

Sa mga matang mapupungay na nakatitig sa kanya ngayon, sino ba ang hindi mawawala sa sarili? Sinong hindi mawiwindang? Sinong bestfriend ang hindi magwawala?

Kahit siya na siguro ang pinaka-machong lalaki sa buong mundo ay manlalambot ding katulad niya dahil sa ganda ng kasintahan. Napakaswerte niya kaya masaya ang puso niya dahil sa kanya lang nakangiti ang mga labi nito.

"Hi. Good morning." Antok na saad nito pero iba ang dating sa pandinig niya at sistema niya.

Mabuti na lang at nakaupo siya dahil kung hindi ay siguradong makikita ang bestfriend niyang nagpipilit na tumayo. Maingat at pabalewala niyang hinila ang kumot ng dalaga at bahagyang itinakip sa kanyang bestfriend na hindi mapakali, nag-uumigting.

"Good morning, my beautiful goddess. Bangon na daw tayo sabi ni Tatay Sepring." Pilit niyang pinano-normal ang kanyang pananalita. Tumikhim pa siya ng dalawang beses bago nagsalita dahil sa takot na baka pumiyok siya.

"Hoy Makai, gising na daw sabi ni Tatay. Bilis!" Napabalikwas din si Makai sa panggigising ni Manuel. Kusa namang nagising si Korina. Dahil sa ingay na naririnig.

Kanya-kanyang silang nagtupi ng ginamit na kumot at unan nang tahimik. Walang may nagsasalita lalo na silang dalawa ni Manuel. Okupado ang isip nilang pareho sa deklarasyon ng ama.

"Majz, iwan mo na ang mga yan, kami na magtatapos niyan. Mauna ka nang maligo at magbihis dahil mukhang may lalakarin tayo nila Tatay. Makai, doon na kayo ni Korina sa banyo mo maligo, bilis." Nakapamewang nitong utos sa dalawa. Tumango lang naman ang tatlo at sinunod na ang sinabi ni Manuel.

Nang makaalis na ang mga babae ay napaupo si Lance sa dulo ng kama niya at napasapo na lang ng kanyang noo, frustrated, ngunit hindi para sa kanya kundi para kay Majz, para sa mga pangarap nito.

"Manuel, alam mong wala akong masamang ginawa kay Jaise, but if your Dad insisted for me marrying your sister, I'd like you to know that I will. Anytime. Anywhere." Seryoso niyang sabi. Tumitig muna si Manuel sa kanya bago ito nakapagsalita.

"Alam ko yun. Alam kong mga bata pa lang kayo minahal mo na ang kapatid ko." Saad ni Manuel. Napangiti si Lance. Hindi makapaniwalang naaalala siya nito.

"Natatandaan mo pala ako?" Nakangising tanong ni Lance. Hindi makapaniwalang matatandaan pa siya nito, pitong taon na ang nakakaraan.

Isang linggo at kalahati silang tumigil sa probinsiya nila Majz kaya isang linggo din siyang nag-aabang sa tuwing hapon at umaga. Kahit summer noon ay palagi niyang nakikitang pabalik-balik ng eskwelahan si Majz. Kung ano man ang ginawa ng dalaga doon ay wala siyang pakialam basta ang alam niya ay nakikita niya ito hanggang sa nakita nga niya ang pag-akap at paghalik ng isang lalaki kay Majz.

"Oo naman. Hindi sa ayaw ko sa iyo noon, pero hindi rin kita kilala, pinuprotektahan ko lang ang kapatid ko dahil napakabata n'yo pa noon." Panimula ni Manuel. Ngumiti lang at tumango si Lance.

"Bata pa ba siya noon? Mukhang 15 - 16 na siya noon kahit maliit lang siya tingnan." Napailing si Manuel sa sinabi niya.

"Anong 15 - 16? Trese pa lang si Maria Jaise noong una kayong nagpunta sa amin." Natatawang saad ni Manuel.

Lights! Camera! I've Fallen...Where stories live. Discover now