Nagtungo na kami sa kotse niya at pinagbuksan kami ng pinto. Huminga ako nang malalim bago umupo sa front seat. Si Zellor naman ay nasa kandungan ko. Nagtatakang nag-angat ako ng tingin kay Zach nang hindi pa niya isinara ang pinto.

“Don’t worry, my parents will love you, Zel.” Ngumiti siya sa akin bago sinarado ang pinto at nagtungo sa driver’s seat.

Tumango ako at umayos ng pag-upo. Sana nga ay gano’n ang mangyayari.

Sa pagpasok pa lang namin sa malaking gate ay alam ko na kung gaano kayaman ang mga Villacorta

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

Sa pagpasok pa lang namin sa malaking gate ay alam ko na kung gaano kayaman ang mga Villacorta. Huminto kami sa may tapad ng guard house at ibinaba ni Zachary ang bintana ng kotse/

“Jake, please inform my parents.”

Tumango ang guard at pumasok sa loob ng guard house. Sinarado muli ni Zachary ang bintana at nagpatuloy sa pagda-drive. Kahit malayo pa ang bahay nila ay ramdam na ramdam ko na ang preskong hangin. Mahilig talaga ang mga mayayaman sa mga lugar na malapit sa dagat. Hindi natin sila masisisi. Gusto siguro nila na malayo sa stress na paligid. Stress na siguro sila sa dami nilang pera.  

Kumalabog ng mabilis ang puso ko nang makita ko na ang bahay nila Zachary. Sobrang laki at ganda ng bahay. Gawa ito sa mga matitibay na materyales. Kulay puti na may brown ang kulay ng bahay at masasabi ko na ito na ang pinakamalaki at pinakamagandang bahay na nakita ko sa buong buhay ko.

Nakita ko rin ang mga nakaparadang sasakyan na tingin ko ay mamahalin. May fountain din sa harapan ng kanilang bahay at mga bulaklak na alagang-alaga. In short, parang nasa palasyo ka. Nang huminto ang kanyang kotse sa harapan mismo ng hagdanan patungo sa kanilang bahay ay nakita ko ang mga naka-uniform na mga kasambahay at mga lalaking pareho ang uniporme. Tingin ko ay mga bodyguards nila.

What do you expect? Dito nakatira si Governor Villacorta at isa rin siyang businessman, kaya sobrang yaman talaga.

Naunang lumabas si Zachary sa kotse, kinabahan na ako ng todo. Nanlalamig na ang aking kamay habang hinihintay ang pagbukas ng pinto ni Zachary sa amin.

“Zel…”

Napasinghap ako at nag-angat ng tingin sa kanya. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Napalunok ako at nagdalawang-isip kung tatanggapin ko ba o hindi.

“Take my hand.”

Huminga ako nang malalim at tinanggap ang kanyang kamay. Si Zellor ay buhat-buhat na niya habang humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay. Inutusan niya ang isang lalaki na e-park ang kanyang kotse sa parking lot nila bago kami tuluyang pumasok sa loob.

Ang unang sumalubong sa amin ay ang magalang na bati ng mga kasambahay kasabay ng pagyuko nila. Napalunok ako at namumutla na sa sobrang kaba.

“Mom!”

Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba nang tinawag ni Zachary ang kanyang ina. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Zachary sa akin.

Nang sabay naming hinarap ang kanyang ina ay nakita ko na tumayo ito galing sa pagkauupo. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Nakita ko ang pag-awang ng kanyang labi nang makita kami.

Her Secret (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat