LCIF 32: Sleepover

Start from the beginning
                                    

"Kung akala mong hindi ko narinig ang sinabi mo Maria Kaila, nagkakamali ka dahil maliwanag pa sa bilog na buwan ang sinabi mo diyan." Bahagyang tumaas ang boses ni Sepring.

"Sorry po, T'yong. Sorry, Kuya." Mapagkumbabang sagot naman ni Makai na hindi makatingin ng diretso.

"Bakit sa amin ka ni Tatay nagso-sorry? Bakit hindi ka mag-sorry diyan sa ama mo na siyang binastos mo?" Pikon na tanong ni Manuel. Naumid naman ang dila ni Makai, pero hindi pa rin ito humingi ng paumanhin sa ama.

"Wala ka pa sa mundong ito pamilya na si Niel. Yang Nanay mong pasaway ang nagtanggal ng karapatan na yun sa ama mo kaya wala kang karapatang magalit sa kanya." Galit na pahayag ni Sepring. "Kung hindi man kaagad nakabalik ang Tatay mo ay may mabigat na dahilan na sana ay pinagtutuunan mo ng pansin kesa magmaktol ka na parang bata na katulad ni Aning." Hindi na napigilan ni Sepring bugso ng damdamin nito. Ang daming nangyayari sa pamilya na pa pakiramdam nito ay nawawalan na ito ng kontrol sa lahat.

"Sorry po, Tkyong. Hindi naman siguro tama na idiin natin si Nanay. Patay na siya, hindi na niya maipagtatanggol ang sarili niya." Bakas sa tinig ni Makai ang sama ng loob.

"Tama. Wala na nga ang nanay mo, pero ang laki ng gulong iniwan niya at isa ka sa ginawan niya ng gulo." Sagot ni Sepring.

"Hindi naman gugulo kung hindi naman siya dumating at nagpakilala eh." Paangil na sabi ni Makai.

"Karma, Makai. Sabi nga nila digital na ito kaya ingat-ingat ng konti sa mga binibitawang salita." Sabay-sabay silang napalingon sa bungad ng kusina.

"Jaise..." Si Lance. Nagising pala ito.

"Majz!" Sabay na sambit ni Korina, Manuel at Makai.

"Nak..." Sambit ni Sepring.

"Makai, dito ka umupo sa pagitan namin ng Tatay mo." Madiin na utos ni Bebeng kay Makai na walang nagawa kundi ang tumayo at sumunod sa utos ng tiyahin na may kasama pang panlalaki ng mga mata.

Mabilis na kumilos si Lance. Para alalayan ang kasintahan. Pinaghila niya ito ng upuan. Ngumiti si Majz sa kanya.

"You should have stayed in bed." Masuyo niyang sabi. Ngumiti lang ang kasintahan sa kanya. Napailing na lang siya. "Sit over here then." Dugtong pa niya habang naghihintay ang upuan para sa dalaga.

PINAGHILA at pinaupo siya ni Lance sa upuang inalisan ni Makai. Umupo naman siya kaagad doon. Nagulat na lang si Lance nang  umupo nang walang sabi-sabing sumandal siya kay Lance. Alam niyang nabigla ito dahil bahagyang maningas ang katawan nito at napatuwid ng upo.

"Bakit hindi na lang kayo nagpalipas ng gabi doon sa San Nicolas?" Matiim na tanong ni Sepring sa anak. Nilingon niya ang ama at mapait na ngumiti dito.

"Dapat naman po talaga doon kami magpapalipas ng gabi eh." Malamlam niya sagot.

"Eh ganun naman pala. Eh bakit bumyahe pa kayo gayung pareho na kayong antok?" Sabat ni Martin. Salitan silang tinitigan ng lalaki.

"Oo nga, Majz. Mabuti na lang at hindi nakatulog itong si Lance sa manibela. Hindi kayo naaksidente." Matamang saad ni Korina.

"Dapat nga doon na kayo nagpalipas, mabuti na lang at hindi kayo naaksidente." Inis na saad ni Bebeng.

"Hindi naman po talaga kami dapat na bibiyahe pabalik dito ngayon eh." Panimula niya. "Ang plano po namin ay bukas pa ng tanghali kami babalik o kung anong oras man po kami magising. Kaso walang sumasagot sa mansyon nila T'yong Martin. Nagbabakasakali kasi akong nandun si Aling Lagring dahil wala ang T'yong doon katulad ng dati pero si Mang Tomas ang naabutan namin sa labas ng malaking gate na parang gwardiya sibil na nagpapabalik-balik." Patuloy niyang kwento. Napahikab siya.

Lights! Camera! I've Fallen...Where stories live. Discover now