Gino: Ang dali mo palang umiyak, Mikay. At marunong ka rin palang masaktan...

Tumayo ito at akmang iiwan siya.

Mikay: Gino... Alam ko, malaki kasalanan ko sa 'yo... Kung gusto mo akong saktan, wag si papa please. Ako na lang... Ako na lang, Gino...

Gino: That was 3years ago... If you think that I still hold a grudge on you... Masyado naman 'ata malaki ang tiwala mo sa sarili mo... 

______________________________________

Sumilip si Mikay sa bintana ng Penthouse ni Gino. Ang lakas pa rin ng ulan. Halos wala na siyang makita sa labas. Natatakot siyang lumabas at magmaneho. Hindi na nagpakita si Gino sa kanya matapos ang pag-uusap nila. Nahihiya siyang makita pa muli nito at hindi pa siya umaalis. Pero kelangan niya munang lunukin ang pride niya. Hindi rin kasi siya ganun kabihasa mag-drive.

Humupa na rin ang emosyon niya. Hindi niya akalaing masasabi ang mga 'yon. Masyado na ba siyang nagpakababa? Pero nasabi na niya eh. What's done is done. Kelangan na lang niya panghawakan ang pangako nito nung una pa... Basta sumunod lang siya sa usapan.

Maya-maya ay nakaramdam siya ng gutom. Pumunta siya sa kusina. Ininit niya ang tirang pagkain ng tanghalian. Kasalukuyan siyang kumakain mag-isa nang madatnan siya ni Gino. Naka-shorts lang 'to. Walang pang-itaas at may nakasampay na tuwalya sa balikat. Mukhang katatapos maligo.

Nagtitigan sila. Siya bilang nagulat at nahiya dahil naabutan pa siyang nakikikain matapos nilang magtalo.

Gino: Bakit andito ka pa? Kala ko umalis ka na...

Mikay: .....Ah.... Uhm.... Ang lakas pa rin kasi ng ulan eh. Lalo pa 'atang lumakas.

Gino: Kung kanina mo pa sinabi yan, hindi na sana humaba ang usapan...

Kumuha ito ng tubig sa ref. Hindi niya ito sinagot.

Mikay: Kain ka?

Gino: Hindi na. Wala akong gana.

Iniwan siya nito at pumunta sa sala. Mukhang naglalaro ng computer game. Nang matapos siyang kumain ay sumunod siya doon. Umupo siya sa sofa at pinapanuod ito.

Gino: Parang hindi na titigil yang ulan. Baha na daw at sobrang trapik sabi ni Seth. Kung gusto mo, may guest room naman dito, magpalipas ka na lang ng gabi.

Mikay: Ahh... Wala rin naman akong dalang damit eh... 

Gino: Pwede kita pahiraman ng t-shirt at shorts. 

Tapos tiningnan siya nito...

Gino: Kung sa panloob mo, wala ako no'n. Wag ka na lang muna magsuot. Alam mo naman na kung nasan 'yung washing machine.

Nawindang siya sa sinabi nito.

Mikay: Anong 'wag muna ako magsuot? Nang-aasar ka ba?

Gino: Hindi kita inaasar. Sinasabi ko lang ang totoo. Eh sa wala ka ngang maisuot eh! Saka may t-shirt at short naman akong papahiram...

Naisip tuloy niyang suungin na lang ang baha at ulan at umuwi sa kanyang condo. Napansin nitong natitigilan siya...

Gino: Sus! Mikay! 'Wag ka ngang umarte na parang ano 'jan. Nakita ko na lahat kung anong meron sa katawan mo! Dati nga, t-shirt ko lang suot mo at wala nang iba. Taz ngayon....

Mikay: AHHH! Tama na! Oo na! Oo na! Magtigil ka lang!

Tumayo ito at naglakad papunta sa kwarto. Maya-maya ay may hawak na itong damit at iniabot sa kanya.

Mikay: Teka! Boxers 'to ah!

Gino: Oo nga! Shorts sabi ko di ba. Boxer shorts 'yan! Kaso 'di pa nalabhan...

Nakita niyang nangingiti ito at pilit hindi pinapahalata.

Mikay: Wala ka na bang shorts na hindi boxers?

Gino: Wala! lahat nasa hamper. Kahit tingnan mo pa. Lahat boxers na.

Tumayo na lang siya at nilayasan itong inis na inis.

Gino: Sa totoo lang, hindi pa talaga nalabhan yan.

At narinig pa niyang tumawa ito.

______________________________________

Inis na inis pumasok si Mikay sa guest room. Kung meron lang siyang iba pang choice. Sumilip siyang muli sa bintana. Parang hindi nauubusan ang langit sa sobrang lakas ng ulan. Tiningnan niya ang damit ni Gino na nasa kama. Hindi raw nalabhan?.... Kinuha niya ito. Totoo kaya na hindi nalabhan? 'Pag inamoy kaya niya malalaman niya? 

Nilapit niya ang boxers sa ilong niya.............  Alam niyang nagsisinungaling si Gino. Amoy bagong laba ang  boxers. Amoy ng mabangong detergent soap.

Gino: Oy!

Nagulat siya. Nakapikit siya nung inaamoy niya ang shorts. 'Di niya namalayang nagbukas ng pinto si Gino. Naabutan siya sa ganong posisyon. Agad niyang hinagis ang boxers. Pero huli na ang lahat. Alam niyang nakita siya nito.

Gino: Mikay ah!..... Ahhmmmmmm... 'Di ko akalaing pati boxers ko pagnanasahan mo pa. Ganun ba ako ka-iresistable sayo? 

Mikay: Hoy! Ginawa ko lang 'yun kasi kelangan kong makasiguro kung talagang hindi nga nalabhan noh! Baka kung ano pang sakit ang makuha ko sa 'yo!

Gino: Eh kamusta naman ang amoy? Nalabhan ba o hindi? 

Mikay: Nalabhan!

Gino: Pano ka naman nakakasiguro?

Mikay: Kasi amoy sabon!.... Amoy bagong laba!

Gino: Sus! Mikay! Sadyang mabango lang talaga ako kaya kahit nagamit ko na.... Ambango-bango pa rin... 

Mikay: Teka! Bakit ka nga pala basta-basta pumapasok nang hindi kumakatok? 

Gino: Wala..... Nanghuhuli lang.....

Mikay: Nanghuhuli nang ano?!

Gino: Gaya nung nadatnan kong eksena mo (Sabay gaya sa pag-amoy ng boxers nito)... Sige tulog ka na... Alis na 'ko... 

Natitigilan si Mikay nang umalis si Gino.... Maya-maya ay unti-unti siyang napapangiti.

______________________________________

Watch out for CHAPTER 7... Leave your comments, guys! :)

A Sweet Mistakeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें