CHAPTER 8: The Denials

49.1K 457 13
                                    

Nang bahagyang humupa na ang ulan kinabukasan ay nakauwi na rin si Mikay. Sinubukan niyang kumatok sa pintuan ni Gino kanina upang magpaalam ngunit nakailang katok na siya ay wala pa ring sumasagot. Kaya naisipan na lang niyang basta umalis na lang. Iniuwi na lang din niya ang napagpalitang t-shirt at boxers nito at sa condo na lang niya lalabhan.

Katatapos lamang niyang maligo at kasalukuyang tinutupi ang bagong labang damit ni Gino nang may natanggap siyang text mula dito: For the meantime, the deal is off. I'll just put the case on hold. I'll just get in touch with you next time

Eto na nga ang ikinatatakot niya eh. Dahil sa bunganga niyang matabil kagabi, madadamay pa pati ang kanyang ama. Malamang gumaganti lang sa kanya si Gino.....

Pero for the meantime lang naman daw eh. Siguro mainam na muna rin yun. She deserves a break. Diretso ata siyang nagtrabaho nang ilang linggo. Sa wakas makakapagpahinga rin siya...

Pero bakit ganun? Bakit pakiramdam niya hindi siya masaya sa kaalamang hindi niya makikita si Gino? Ipinilig na lamang niya ang ulo at sinubukang 'wag na lamang masyadong bigyang halaga ang kung anu-anong pumapasok sa isip niya.

Nagpasyang matulog na lang si Mikay. Nagising siya bandang alas-singko na ng hapon. Nagulat siya dahil buong araw na pala siyang nakatulog. Hindi rin niya masisisi ang katawan. Hindi rin kasi siya masyadong nakatulog kagabi knowing that Gino's there and they're alone together in one roof.

While she's sipping a cup of coffee on her bed ay may biglang kumakatok sa main door. Nang buksan niya ito ay si Julia pala. Kakaiba ang tingin nito sa kanya. Parang nang-uusig. Iniwan niya ito sabay balik sa kanyang kama.

Julia: Oy Mikay! 'Wag kang magpaki-pakita ng ganyan sa 'kin ha! Matapos mong dedmahin lahat ng texts at tawag ko!

Mikay: Julia... Wala ako sa mood ngayon makipagtalo...

Julia: Okay, fine! Wala ka sa mood?! Then tell me... Anong nangyari sa 'yo for the past few weeks ha?!

Mikay: Alam mo naman na 'di ba?

Julia: Alam ang ano, Mikay? That you'll give your service to Gino in exchange of your dad's case? Anong klaseng mga service yon ha?

Kwinento niya lahat ng naganap nang mga nagdaang linggo. But she's trying to mentally omit some details.

Napabuntung-hininga si Julia.

Julia: At sa penthouse pa talaga niya kayo nag-stay ha?

Mikay: Isipin mo naman kasi ang eskandalo pag nalaman sa office nila. Kaya he needs to hide it.

Julia: Ay nako! Ang alam ko lang mas malaking eskandalo pag lumabas sa media na labas-masok ka sa penthouse niya!

Napagawi ang tingin ni Julia sa ibabang bahagi ng kanyang kama. Nakita nito ang nakatiklop na damit ni Gino... Patay!

Pinukulan siya nito ng mapanghinalang tingin. In-explain niya agad dito ang pangyayari kagabi.

Julia: Hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa 'yo, Mikay... Dahil alam kong basta tungkol kay Gino, magaling kang maglihim...

Tinawanan na lang niya ito. Kumalma na rin si Julia at nagkwento ng ibang topic. Ngunit maya-maya...

Julia: Gumamit ba kayo ng protection?

Mikay: H-huh? A-anong protection?

Julia: 'Wag na nga tayong magbolahan pa. 'Yung kagabi... Gumamit ba kayo?

Mikay: Julia! 'Di ba sinabi ko na sa 'yo na...

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now