CHAPTER 54: Duty Calls

41.9K 377 25
                                    

At the canteen…

They found a table at dun na sila nag-gather. Maging ang ilan pa nilang kaklaseng nagdatingan ay naki-share na rin ng table sa kanila… Masaya silang nagkwekwentuhan kaya nawaglit na rin sa isip niya na i-text si Gino…

Jason: Wow, Mikay… Babe pala ang tawag sa ‘yo ni Sir ah…

Isa niyang kaklase iyon na may pagka-bolero…

Betty: Bakit inggit ka?

Jason: Oo naman noh! Ang swerte naman masyado ni Sir para magkaroon ng isang tulad ni Mikay…

Mikay: Naku! Jason, gutom lang ‘yan… Alam mo buti pa kumain ka na lang…

Habang nagtatawanan sila ay nakita niya si Gino na pumasok ng canteen kasama ang ilang mga professors din. Mukhang hindi siya nito napansin. Pasimple niya itong inoobserbahan hanggang sa makaupo ang mga ito sa kabilang table at nagsimulang kumain.

Base sa itsura ng mga ito ay interesting ang mga pinag-uusapan nila… There are times na nakikita niyang nagtatawanan pa ang lahat…

At hindi rin nakaligtas sa tingin niya ang isang magandang girl professor na kanina pa halatang nangfli-flirt kay Gino. Katabi nito ang babae at may mga ibinibigay na malalagkit na tingin dito at kakaiba pa kung tumawa… Mukhang tawa ng malandi…

Jason: O, Mikay… Kinuhanan na kita ng drinks ha. Nakalimutan mo atang bumili eh…

Mikay: Ay oo nga pala noh… I’ll just pay you na lang…

Jason: Mikay naman, para drinks lang eh… Ano tingin mo sa ‘kin, poor?

Sa lagay nito ay nagpapa-cute nanaman sa kanya. Pero alam niyang talagang ganoon lang ito. In fact, she reminds him of Kats… Nang matapos na siyang kumain ay inabutan naman siya ulit nito ng tissue…

Mikay: Thanks…

Jason: Ah, Mikay, dadalhin ko nga pala ‘yung mga magazines ko dito minsan… Pa-autograph ah…

Mikay: Sure, no problem. Dapat nga ngayon mo na dinala eh…

Jason: Meron sa kotse ko. Sayang nga eh. Nakalimutan ko… Pero ‘di bale sa next class na lang natin next week…

Betty: Grabe ka naman! Hindi ka na nakuntento sa mga pics niyo ni Mikay… Pati autograph, hihingiin mo pa…

Jason: Inggit ka lang! Wala kasi nagpapa-autograph sa ‘yo…

Natatawa na lang siya sa usapan ng dalawa… Hindi tuloy niya napansin ang pagtayo ni Gino at napatingin na lang siya dito nang bahagya nitong pinisil ang balikat niya…

Gino: Babe, mukhang tapos ka na ata kumain… Should we go now?

Mikay: Uhm… Yeah, tapos na… Guys, I‘ll just go ahead then… I’ll see you na lang next week…

Sa pagtayo niya ay marami pa rin ang nakatingin sa kanilang dalawa. Isa na roon ang maasim na tingin ng flirt na babaeng katabi nito kanina…

Jason: Bye, Mikay!

She smiled…

Mikay: Bye!

Sa pagtalikod nila ay naramdaman niya agad na hinawakan siya ni Gino sa bewang… He’s like showing off to everyone…

Dumiretso na muna sila sa opisina nito at may mga kukunin pa daw doon na ilang papers… Wala pa rin silang imik na dalawa hanggang sa makapasok sa loob ng office nito… Habang kasalukuyan itong may hinahanap ay nilinga naman niya ang tingin sa paligid.

A Sweet MistakeKde žijí příběhy. Začni objevovat