CHAPTER 29: Two Years Later

43.2K 347 30
                                    

“Mikaela, I want a side-shot then slowly glance toward me…”

Mikay: Would I give something sultry or innocence?

“I want to capture both.”

Tumango naman siya sa sinabi nito. Kasalukuyan siyang kinukuhanan ng isang cameraman para sa pictorial ng kanyang iniindorsong bagong cosmetic procedure ng isang kilalang cosmetic center sa bansa.

“Very good! Very nice, Mikaela!”

Naililipad ang kanyang napakahabang buhok ng hanging nagmumula sa malaking fan na nasa kanyang harapan. Nagsisilbi itong special effect para sa pictorial. She’s all glammed-up from head-to-toe. And she’s actually wearing a very sophisticated red dress designed by a famous international fashion designer.

“Two more shots and we’re done!.... Okay! That’s it! It’s a wrap, guys!”

Nang matapos na ang pictorial ay may mga assistant na umalalay sa kanya para makaalis siya sa platform na kanyang kinatatayuan. Nakita niyang agad lumapit sa kanya si Mike, ang kanyang road manager.

Mike: Mikay, anjan si MJ. Pagbigyan mo na kahit saglit lang…

Napasimangot siya sa sinabi nito. Si MJ ay ang tanyag na showbiz reporter mula sa network na kinabibilangan niya…

Mikay: Mike naman eh… Antok na antok na ko… Maaga pa taping ko bukas…

Bulong niya dito na sinabayan naman niya ng pag-upo sa harap ng salamin sa dressing room.

Mike: I know… Pero pagbigyan mo na… Para ma-promote mo na rin ‘yung susunod mong project…

Mahina rin nitong sabi.

Mikay: Okay, fine… Pero sabihin mo 15 minutes lang ha?...

Tumango ito at agad siyang iniwan. Any moment ay alam niyang papasok na roon si MJ at ang crew nito para sa interview. Tumingin siya sa salamin. Bumuntung-hininga siya ng malalim. Then, slowly her eyes lit up and her lips formed a beautiful smile. As an actress, that’s something that she had learned very well…

MJ: Hello, Mikaela!

Mikay: Oh hi, MJ! Sooo nice to see you again!

Nakipagbeso-beso siya dito.

MJ: I’m more than happy to see you, Mikaela… Napakahirap mong hagilapin sa dami ng projects mo…

After a few minutes of chatting ay sinimulan na nito ang interview… The cameras started rolling…

MJ: Mikaela, It’s been 2 years now since you entered showbiz… At kapansin-pansin talaga ang napakabilis na pag-angat ng iyong career… You bagged two Best Actress Awards mula sa Star Awards and Urian para sa iyong indie film na Tsinelas … I think that’s a record breaker considering the length of your stay in the industry…

Mikay: Naku… Hindi naman… Pero siyempre talagang nagpapasalamat ako sa ABS dahil pinayagan nila akong gawin ‘tong indie film na ‘to at ganun na rin syempre ang lahat ng bumubuo sa staff ng Tsinelas. This wouldn’t all be possible if it weren’t for them…

MJ: So typical of you to be humble in spite of everything... I actually watched the movie at napabilib mo ako ha! Talagang nakapaa-paa ka lang na naglalakad sa putikan! And take note mega takbo ka pa sa isang eksena don na puro batu-bato…

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now