Lumabas ako ng apartment at nagtungo sa may likuran nang tumawag si Zachary. Kinagat ko ng mariin ang labi ko at naupo sa may kahoy na upuan at umupo. Hinimas ko ang tuhod ko bago sinagot ang tawag.

“Hello,” sagot ko at ngumiti. “Zach…”

“Zel.” Umawang ang labi ko nang narinig ko ang pagod sa kanyang boses.

“Zach, okay ka lang ba?” nag-aalala kong tanong.

“I’m fine. Nawala pagod ko nang narinig ko ang boses mo.”

Halos dumugo na ang labi ko dahil sa pagkagat ko. Hindi ko maiwasang isipin ang mukha niya habang sinasabi niya iyon.

“Still there?” tanong niya nang hindi ako umimik.

“H-Ha? Ah, Oo!” sagot ko agad at sinapo ang noo.

Natawa siya sa naging sagot ko at tumikhim. “You trust me, right?”

Namilog ang mata ko sa tanong niya at biglang kinabahan. Ang kanyang boses ay naging seryoso na mas lalong nagpapakaba sa akin. Yumuko ako at hindi makasagot sa tanong niya. Nagdadalawang-isip ako na sagutin ang tanong niya.

“Zel…”

“Zach, I—”

“You trust me, right?” pag-uulit niya.

“Bakit, Zach? May problema ba?” kinakabahan ko na tanong.

Narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga. “Gusto kitang ipakilala sa magulang ko, Zel, kayo ng anak ko.”

Namilog ang mata ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tatanggapin kaya ng mga magulang ni Zachary si Zellor? At ako, tatanggapin kaya nila ako? Sumikip ang dibdib ko nang maisip ko iyon. Binalikan na naman ako ng takot ko.

“Zel…”

Natatakot ako na baka hindi nila tatanggapin ang anak ko. Natatakot ako na baka paghiwalayin kami.

“Zel, talk to me,” pagsusumamo niya. “Gusto kong malaman kung ano ang nasa isip mo.”

Paano kung kukunin nila ang anak ko at ilalayo sa akin? Naging balisa ako sa dami ng aking iniisip.

“Zel, sumagot ka o pupuntahan kita diyan!”

Agad akong natauhan nang tumaas ang boses niya. “H-Ha?”

“Zel, what are you thinking?”

“Z-Zach.” Napalunok ako. “N-Natatakot ako.”

“Ano ang kinakatakot mo? Nandito naman ako,” aniya.  

Napatingala ako at sinapo ang noo ko. “Marami, Zach! Marami akong kinakatakutan! P-Paano k-kung ayaw ng mga magulang mo sa akin, t-tapos kukunin nila sa akin ang anak ko! Hindi ko kaya iyon.”

“Zel.” Nag-iba ang tono ng boses ni Zachary. “Hindi gano’n ang magulang ko. Please stop thinking about it.”

Bigla akong nainis at hindi nagustuhan ang pananalita niya. Inis akong tumayo at bumalik sa loob ng apartment.

“Hindi mo kasi ako naiintindihan, eh! Masyado mong binibilisan ang lahat! Wala namang deadline sa gan’yan!” Padabog kong sinarado ang pinto ng kwarto ko at umupo sa kama.

“Zel, I thought—”

“Busy ako, Zach! Ibaba ko muna ito.”

“Fuck! Zel, wait—” Pinindot ko ang end at padabog na inilagay ang phone sa may lamesa.

Sinapo ko ang noo ko at napatalon sa gulat nang mag-ring ang phone ko. Hindi ko sinagot ang kanyang tawag at in-off ko ang phone para hindi na niya ako makontak.

Hindi niya kasi ako naiintindihan. Masyadong mahirap sa akin at kinakabahan ako. Kinilabutan ako nang sinabi niya na ipapakilala niya kami sa magulang niya.

Humigpit ang kapit ko sa bed sheet at kinurap-kurap ang mata para hindi tutulo ang luha sa mata ko. Hihiga na sana ako sa kama nang makarinig ako ng busina. Bumilis ang tibok ng puso ko at napatingin sa may bintana. 

Natigilan ako nang nakita ko si Zachary na kalalabas lang ng kanyang kotse. Gulong-gulo ang kanyang buhok habang ang kanyang neck tie ay wala na sa ayos. Kitang-kita ko ang pagod sa mata ni Zachary at makita siya rito ay naiiyak ako. Agad akong lumabas ng kuwarto at lumabas sa apartment.  

Agad-agad akong lumapit sa kanya at sinapak ang kanyang dibdib.

“Ano ang ginagawa mo rito?” Sinulyapan ko ang kanyang kotse sa likuran niya. “Paano kung naaksidente ka sa daan, ha? Nagpunta ka lang ba rito para…” Humina ang boses ko at napayuko.

“I’m sorry, Zel.”

Hinawakan niya ang braso ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

“Zel, I’m sorry. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo, Zel. Just please, huwag ka nang magalit.”

Kumirot ang puso ko sa narinig. Umatras ako at nag-iwas ng tingin.

“Please don’t be mad at me.” Humakbang siya papalapit at bigla akong niyakap.

Ramdam na ramdam ko ang pagod sa kanya. Hindi ko maiwasan ang mag-alala.

“Zach…”

Hinalikan niya ang noo ko. “We will take everything slow. I’m sorry that I made you angry.”

“Zach, natatakot kasi ako sa mangyayari. P-Paano kung hindi tayo tanggap? Ano na ang mangyayari?” tanong ko at mahina siyang itinulak.

Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

“Then I don’t fucking care, baby. Gusto kitang ipakilala sa kanila pero hindi ibig sabihin na sila pa rin ang magdedesisyon para sa akin. Hindi ko na hahayaan na mangyari iyon.”

Tumulo ang luha ko agad napayuko.

“I am willing to abandon my world just to be with you, Zel. Let’s run away if the world is against us.”

Ngumiti siya sa akin at niyakap muli ako ng mahigpit. Pumikit ako at niyakap siya pabalik.

Her Secret (COMPLETED)Where stories live. Discover now