56

26.3K 534 141
                                    

Dahil may isa nang follower ni lindsay at jared na nag-order ng aking bagong book na Something Old, Something New... (salamat! Magugustuhan mo yan, new friend🤭 mas maganda kesa the widow's peak)... isa uling update ngayon.

Pero uy, avail dn naman ung iba... para happy tayo lahat. Hahaahaha

***Ano, update pa? Please support my newly printed book first hahaahaa!

Book title: SOMETHING OLD, SOMETHING NEW ✨

by Celine

Contemporary Feel Good Romance
260 pages
5.25 x 8
Cream paper
Matte laminate cover
PhP550 per copy plus shipping fee

To order, send me a message with the following info:

Book title
number of copies
Your location

For example:
Something Old, Something New
1 copy
Pasig City

We ship via JRS (door to door) every Wednesday.
Mode of payment is via Gcash.

Thank you and we hope to hear from you soon! 💖


*******
"AKALA ko talaga bukas pa 'yong dinner n'yo," wika ni Jared kay Lindsay nang maisara niya ang zipper ng duffel bag niya. Naupo siya sa gilid ng kama at pinanood si Lindsay na naglalagay ng mga gamit nito sa bag nito.

Sumulyap si Lindsay sa kanya. Ngumiti. "Ngayon," wika nito.

"Wala man lang ba silang jet lag?" Sa pagkakaalam ni Jared ay papalapag pa lang ang eroplanong sinakyan ni UGL at ni Mrs Lagdameo ng alas-diyes ng umaga. Tumingin siya sa suot na relo. It was ten minutes past ten in the morning. Ibig sabihin ay posibleng nasa NAIA na ang mga ito.

"I'm sure gising na gising pa ang mga iyon mamayang gabi," wika ni Lindsay.

Nagkibit si Jared ng balikat. "Sabagay, kung seven and dinner n'yo, parang alas-siyete pa lang ng umaga sa US. Kung matutulog sila ngayon pagdating, fresh na sila mamaya."

"Yes," sagot ni Lindsay. Pumasok ito sa banyo. Paglabas ay bitbit nito ang mga toiletries nito kasama ang mga pinagbihisan ni Jared kanina.

Tumayo si Jared. "'Yang mga 'yan pa pala. Akin na," aniya.

Pero hindi iniabot ni Lindsay sa kanya ang mga damit niya. Sa halip ay sinimulan nitong itupi ang mga iyon.

Sa ginawang iyon ni Lindsay ay parang itinahip ang dibdib ni Jared. Napaawang ang mga bibig niya pero wala siyang maisip na sabihin. At that very moment, Lindsay looked so domesticated.

Bahagyang umiling si Jared para mawala ang isiping iyon sa utak niya. Hindi siya dapat mag-isip ng mga ganoon.

Pero hindi naman kasi niya napigilan ang sarili niya. Totoong minsan ay si Lindsay ang nagbu-brew ng kape nila o naghahanda ng pang-breakfast nila, pero ibang usapan iyong personal na gamit niya ang inaayos nito.

"Kung hindi pa ako pumasok sa banyo, baka naiwan mo na 'yan," wika nito. Iniabot nito ang damit niya.

Sasabihin sana ni jared na wala namang problema dahil lalabhan lang naman iyon at itatago ng mga caretaker pero hindi na niya napigilan ang mapangiti. Lindsay also looked cute playing the role of a nagging wife.

Sumimangot si Lindsay. "Bakit ka ngingiti-ngiti?"

"Wala," angil ni Jared. Inabot niya ang mga damit niya. "Thanks, babe! Ano na lang ang gagawin ko kung wala ka?"

The Widow's Peak (R-18)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz