13

29K 447 4
                                    

NAPASIMANGOT si Lindsay nang makita ang listahan ng mga contractor na nadatnan niya sa desk niya. Hindi siya kumportable sa mga pangalang nababasa.

Number one on the list was Homer Chua of Chua and Sons. College buddy ng daddy niya ang daddy ni Homer. The second was Rhett Gonzalo of Gonzalo Construction. Kasamahan ng daddy niya sa Rotary Club ang daddy ni Rhett. Pagdating sa pangatlo, napailing na si Lindsay. At habang pababa ang tingin niya sa listahan, lalong nagsasalubong ang mga kilay niya.

She had no other choice but to talk to the one person who can answer all her questions. Ang taong ayaw sana niyang makita. Walang iba kundi si Jared. Because after her dream last night, she really felt awkward.

She sighed. "It was just a dream, Lindsay. At hindi ka dapat mahiya kasi wala namang ibang nakakaalam kundi ikaw lang," paalala niya sa sarili bago pinindot ang intercom. "Pakitawag si Jared, please?"

"Yes, Ma'am," wika ni Lena.

Muling tiningnan ni Lindsay ang listahan. Umiling. Isinara ang folder bago ipinatong sa desk. Bukas ang pintuan kaya kita niya si Jared na naglalakad na papalapit sa opisina niya.

She took a deep breath. Muling pinaalalahan ang sarili na wala siyang dapat ikahiya. Walang rason para mailang siya sa presensya nito. Siya lang naman ang nakakalam na bumigay siya kay Jared sa panaginip. That Jared's skillful hands made her moan and writhe and rendered her breathless.

She sighed. Skillful hands. Tinutop niya ang noo. "Erase, erase," she hissed. The last thing she should be thinking about was Jared's hands. With or without adjectives.

"Are you okay, Lindsay?"

Tumingin si Lindsay sa gawi ng pinto. Nakatayo doon si Jared. Tumikhim si Lindsay. "Come in," wika niya sa halip na sagutin ang tanong nito. What was she supposed to say anyway? Na hindi siya okay dahil kagabi ay napanaginipan niyang magkasama sila at gumagawa ng milagro?

Pumasok si Jared. Isinara ang pintuan. Tumayo ito sa mismong harapan ni Lindsay. "'Zup?"

Kahit kailan ay hindi siya naging kumportable sa tuwing may nakatayo sa harapan ng lamesa niya. Lalo na kung kasing-imposing ni Jared ang nakatanghod sa kanya. At lalung-lalo na dahil napanaginipan niyang sumandal siya sa malapad na dibdib nito.

Aah... she was hopeless!

"Can you please sit down? Nakakangawit tumingala."

Naipagpasalamat niyang agad namang naupo si Jared. "Looks like somebody woke up on the wrong side up of the bed," wika nito.

Sa sinabing iyon ni Jared ay awtomatikong nag-init ang pisngi ni Lindsay. She very well knew what she woke up to. Tumikhim siya. Tiningnan ni Lindsay si Jared nang masama para pagtakpan ang nararamdaman. Hindi siya dapat magpaapekto sa napanaginipan. She had to divert her attention. Pinilit niyang gawing pormal ang itsura. "Nakita ko na ang list," wika niya.

Tumaas ang mga kilay ni Jared. "And?"

Inabot uli ni Lindsay ang folder. "Did my father have a say on this?"

Nagkibit ng balikat si Jared. "He personally picked some of those companies. At pina-background check ko na sila. Malilinis. Maayos ang trabaho."

Tuluyan nang nawalang parang bula ang lahat ng pagkailang na nararamdaman ni Lindsay. Tinalo na ng inis. Jared had just confirmed her biggest fear. Ipinatong niya ang isang siko sa desk. "Tell me Jared, is my Dad up to something?"

Bahagayang sumimangot si Jared. "What do you mean?"

Iniabot ni Lindsay ang listahan kay Jared. "Ano ang common denominator ng lahat ng nasa list?"

The Widow's Peak (R-18)Where stories live. Discover now