6

28.8K 499 30
                                    


"I don't think I can do that, Sir."

Tumawa si UGL. "Oh, I'm sure you can. Lahat kaya mo, Jared. Kaya nga hindi ako nagdalawang-isip na ilagay ka bilang VP for Operations dahil maabilidad ka. Kaya mo si Lindsay. You don't have to marry her. Just give me a grandchild. Iyon lang."

"Sir-"

"Wala na akong ibang mapagkakatiwalaan, Jared. I know you inside out. Matalino ka. Masipag. At matangos ang ilong mo. Ayokong magkaapo ng pango." Tumawa pa ito.

"Sir, how sure are you that Lindsay will have me?"

Umiling ito. "I'm not. Ligawan mo kung 'yon ang mas makakapagpagaan sa loob mo. Malay mo, mabola mo."

Ilang beses bang binalak ni Jared na ligawan noon si Lindsay? Ilang Valentine's Day ba na bumili siya ng bulaklak na balak sana niyang ibigay dito pero dahil nauunahan siya ng hiya ay nauuwi lang din sa basurahan?

Nang mabiyuda si Lindsay tatlong taon na ang nakakaraan, naisip ni Jared na iyon na marahil ang pagkakataon niyang ligawan si Lindsay. But he was wrong. Hindi pa rin niya ito nagawang lapitan. Parang lalo pa nga itong lumayo dahil tila nagtayo na ito ng invisible na pader sa palibot nito.

Jared gave up. Alam niya sa puso niya na hindi kailanman mapapasakanya si Lindsay.

"Sir-"

"Jared, ano'ng mangyayari sa kompanyang ito na pare-pareho nating pinagpapagurang palaguin kong walang makikinabang? I want't my name to live forever. I want a legacy."

"Lindsay will kill me, Sir."

"Bakit mo kasi sasabihin? Just give it a try. 'Pag binasted ka, eh, 'di may pagtatawanan tayo. And then that's it. But I won't give up without a fight, Jared. I won't."

Dahil sa napag-usapan nilang iyon ni UGL, hindi tuloy siya makatingin ng diretso kay Lindsay sa meeting nila kanina. Napansin pa nga ni Lindsay na parang wala siya sa sarili. Naku-konsensya kasi talaga siya.

Pero sa dami ng naitulong sa kanya ni UGL, walang karapatang humindi si Jared. Totoong nagtatrabaho naman siya ng maayos, pero binigyan siya nito ng oportunidad na hindi basta-basta naibibigay sa lahat ng tao. Kaya kahit puno ng agam-agam ang dibdib ni Jared, natagpuan na lang niya ang sariling tumatango na kay UGL.

Alam ni Jared na may mali sa naging desisyon niya. Hindi maganda ang manloko ng kapwa. Lalo na si Lindsay na walang ginagawang masama sa kanya.

Pero ayon mismo kay UGL, hindi nila pipilitin si Lindsay. Walang pilitang mangyayari. Kapag hindi siya ginusto ni Lindsay, tapos ang problema.

Sa isiping iyon, dapat ay gumaan na ang pakiramdam ni Jared. Pero para pa ring may nakadagan sa dibdib niya.

Humugot siya ng malalim na hininga. Sa totoo lang, napakarami niyang tanong. Paano niya sisimulang ligawan si Lindsay? Paano niya itatago kay Lindsay ang balak nila ni UGL? And what if he really got Lindsay pregnant? May karapatan ba siya sa bata kapag nagkataon?

Napasimangot siya sa naisip. Masyado pang maaga para isipin ang ganoon.

Tumayo siya. Lumapit sa ref at kumuha ng isang beer.

****

The Widow's Peak (R-18)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant