19

24.9K 481 8
                                    


"HOW soon can you give us a quotation, Samuel? Para makatawad na itong si Jared," wika ni Lindsay pagkababa niya ng baso ng tubig. "I'm warning you, though, matinding tumawad 'to."

Tumawa si Samuel. "So, Jared here is the chief negotiator of Lagdameo Lab?

Tumango si Lindsay. "Oh, yes, he is. And he will bleed you dry if you don't take extra precaution."

Tumawa si Jared. Tumingin ito kay Lindsay. "Bakit kasi kailangan pang tumawad? Bakit 'di mo na lang sabihan agad itong si Samuel na presyong kaibigan na lang ang ibigay sa 'yo?"

Itinaas ni Samuel ang kamay nito. "Oh, no, kahit hindi n'yo sabihin,'yan talaga ang gagawin ko. I will most definitely give you the best quality at the least possible cost."

The three of them were having dinner at a restaurant in Eastwood. Inabot ng maghapon ang meeting ni Lindsay kasama si Jared at Samuel dahil sa dami ng kailangang pag-usapan tungkol sa project. At dahil pasado alas-singko na sila natapos, nagpasya silang ituloy na lang ang usapan nila habang nagi-early dinner. It was actually Lindsay who suggested dinner.

Ang totoo, hindi lang ang ituloy ang meeting ang agenda niya. May gusto lang siyang patunayan kay Jared. Iyon ay ang hindi siya naiilang sa presensya nito. Na ang nangyari noong Huwebes ng gabi ay isang bagay na wala na rin sa isip niya.

Alam ni Lindsay na para siyang highschooler sa ginagawa niyang iyon pero wala siyang pakialam. Jared had been acting like the usual Jared the whole day. All business. Walang kakaiba. Kaya pinipilit ni Lindsay ang sarili na ganoon din ang gawin. Ayaw niyang isipin ni Jared na apektado siya samantalang ito ay halatang hindi.

Pinilit ngumiti ni Lindsay. Tumikhim siya. "But I'm really glad you agreed to come aboard this project, Samuel," wika niya. "Sa mga panahon kasi ngayon mahirap na talagang maghanap ng mapagkakatiwalaan. Right, Jared?"

Sinalubong ni Jared ang tingin ni Lindsay. "Right," wika naman nito bago ikiniling ang ulo. "So, you guys, really go way back?"

Umawang ang bibig ni Lindsay pero naunahan siya ni Samuel. "High school," wika nito. "Lindsay used to lend me her notes. I used to teach her math."

Tumawa si Lindsay. "Tapos naiinis ka na sa 'kin kasi hirap na hirap ako sa Trigonometry."

"Hindi, ah!"

Tiningnan ni Lindsay ng pailalim si Samuel. "Totoo?"

"Taos-puso 'yon," wika ni Samuel. "After what you've done for me, that was the least I could do."

Umiling si Lindsay. "That Steffi girl is a real bitch."

Tumawa si Samuel. "Hanggang ngayon galit na galit ka pa din sa kanya?"

"My God, Samuel, I was summoned by the Disciplinary Officer because of her!"

"Eh, itapon mo ba naman mula fourth floor hanggang ground floor ang bag niya."

Pinandilatan ni Lindsay si Samuel. "Eh, kasi iri-reject na nga lang lang ang pag-invite mo sa kanya sa prom, ipinahiya ka pa sa buong school."

"But you were there. You were my angel. Did I ever thank you for that?"

Dahil nasa harapan ni Lindsay si Jared ay kitang-kita niya ang hitsura nito habang nagkukuwentuhan sila ni Samuel. Palipat-lipat lang ang tingin nito sa kanila. Nakangiti pero medyo nakangiwi. And he really looked out of place.

Pero walang nararamdamang awa si Lindsay kay Jared. He deserved that for for being so high and mighty. For not being affected by her kisses. Sa naisip ay muntik na siyang mapaingos.

The Widow's Peak (R-18)Where stories live. Discover now