44

21.4K 479 156
                                    


"PASALAMAT ka nga hindi kita tinawagan fifteen minutes pagkatapos kong makitang pumapasok ang sasakyan mo sa Rendezvous, eh," humahalakhak na wika kay Jared ni Escobar bago ibinaba sa lamesa ang itinungga nitong baso. Muli itong nagsalin ng scotch.

"Dapat sinubukan mo nang makita mo kung ano ang hinahanap mo," sagot naman ni Jared.

Not that Jared would have answered any calls. Kung hindi siya nagkakamali, labinlimang minuto pagpasok nila ng Rendezvous ay naging abala na sila ni Lindsay. He was already busy licking Lindsay's addictive essence while Lindsay's tongue wickedly swirled on his hard-length.

Sa naisip ay parang natuyo ang lalamunan ni Jared. Pero agad din siyang napahugot ng malalim na hininga. Itinungga niya ang scotch niya. Said ang laman ng baso.

Dahil kasi sa katangahan niya ay malaki ang posibilidad na hindi na muling maulit pa iyon. Malaki ang posibilidad na mawawala na ang mga bagay na labis na nagpapasaya sa kanya nitong nagdaang dalawang linggo.

There would be no more of Lindsay's soft caresses that made his insides melt.

No more of her light, gentle kisses that always made his heart skip a beat.

No more of her sweet smiles that seemed to warm his entire being.

No more Lindsay. Because he was stupid.

Napakabigat ng nararamdaman ni Jared. What he would give to have Lindsay back in his arms again.

Nagsalin si Jared ng alak sa baso. Kung tutuusin ay simple lang naman kasi ang hinihingi ni Lindsay. Iyon ay ang huwag itong hanapan ng mga bagay na hindi nito kayang ibigay.

He sighed. It sounded so simple, and yet so complicated. He knew that now. Hindi pala kasi ganoon kadaling ibigay ang gusto ni Lindsay. He wanted more. Dahil muli nang nahuhulog ang loob niya kay Lindsay.

"Are you okay?"

Napapitlag si Jared. Tumingin siya kay Escobar. "Bakit naman ako hindi magiging okay?"

Nagkibit ng balikat si Escobar. "You look preoccupied. Not exactly what I'm expecting from someone who spent the whole afternoon in a-"

"Tama na kasi 'yan," angil ni Jared. Lalo lang niyang naiisip si Lindsay sa mga sinasabi nito. At hindi nila dapat pinag-uusapan si Lindsay sa ganoong konteksto.

Tumawa si Escobar. "Kelan ka pa naging pikon?"

Umiling si Jared. Escobar was his friend and Jared badly needed to get lots of things off his chest but he had to protect Lindsay. Nangako siya dito na walang makakaalam sa namamagitan o, mas tama na yatang sabihing namagitan, sa kanila.

"Pagod lang siguro, brother," aniya. "Marami lang problema sa planta nga-" Hindi natapos ni Jared ang sasabihin dahil napansin niyang wala na sa kanya ang atensyon ni Escobar.

Nasa ere ang hawak nitong baso at bahagyang nakaawang ang bibig. Nakatingin ito sa gawi ng pintuan ng VIP section. Halatang may nakita doon na ikinatulala nito.

Kunot ang noong sinundan ni Jared ang tingin ni Escobar at ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso ni Jared nang makita kung sino ang nakatayo doon na ikinatulala ni Escobar.

It was Lindsay. Lumilinga-linga si Lindsay na parang may hinahanap. And Jared knew exactly who it was that she was looking for. Lindsay was here for him.

Sa isiping iyon lalong bumilis ang tibok ng puso ni Jared. Did Lindsay come here to end everything with him?

Bakit kasi ang tanga-tanga niya?

The Widow's Peak (R-18)Where stories live. Discover now