15

24.4K 448 9
                                    


ILANG beses siyang binalikan ni Raven para yayaing magsayaw pero umayaw si Lindsay. Noong una ay ayaw pa siya nitong iwan nang mag-isa hanggang sa nangibabaw na ang kagustuhan nitong magsayaw at tuluyan na nga siya nitong iniwan.

Ngayon ay kasayaw na ni Raven ang isang lalaking foreigner. And her friend looked happy. Raven obviously liked the guy.

While everyone was having the time of their lives on the dancefloor, Lindsay had fun with the drinks. Hindi na rin miminsang may lalaking lumapit sa kanya na gustong makipag-usap. But she made it clear that she was not interested. Hanggang sa wala nang lumapit sa kanya.

That was fine with her. She did not find anyone interesting, anyway.

"Can I have one mojito, please?" Nakailang shot na sila ni Raven ng tequila kanina. Baka kung ano na ang mangyari sa kanya kapag hindi siya naghinay-hinay.

Nginitian siya ng bartender. "Right away, ma'am."

She took a sip the moment the drink was served. It was so refreshing she could not help but close her eyes. She took another sip. And then another.

Nagmulat si Lindsay. Para lang mapahawak sa bar counter. She could swear she felt the Earth move. Pero parang siya lang naman ang nakaramdam niyon. Ang lahat ng nasa paligid niya ay parang wala namang naramdaman at abala pa rin sa kani-kanyang mga ginagawa.

Masyado na nga yatang napadami ang nainom niya kaya kung anu-ano na ang nararamdaman niya. Kung sabagay, hindi na siya nagtaka sa ganoong epekto sa kanya ng alak. Matagal na siyang hindi umiinom kaya siguro madali na siyang naapektuhan ng alcohol.

Muling hinanap ng mga mata ni Lindsay si Raven. Kasama pa rin nito ang foreigner. Hindi na lang basta nagsasayaw ang mga ito. Nakayapos na si Raven sa batok ng lalaki. They were kissing.

Napailing na lang si Lindsay. She took another sip before she stood and grabbed her purse. Sa tingin niya ay hindi pa siya babalikan ni Raven sa susunod na sampung minuto. She needed to go to the washroom.

Pero sa sandaling humakbang si Lindsay ay naramdaman niya ang bahagyang panginginig ng mga tuhod. Humawak siya sa bar stool. Ang tumayo na nga lang ay napakahirap na, paano siya makakarating sa washroom? She really needed to pee. She needed to-

"Lindsay?"

The Widow's Peak (R-18)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora