50

18.7K 327 70
                                    

KUNG anong oras matatapos ang dinner meeting nila ay walang ideya si Jared. Kanina pa natapos ang usapan nila tungkol sa negosyo. Hindi lang kasi maubos-ubos ang kuwento ni Mr. Tantoco. Kung saan-saan na nakarating ang kuwnetuhan. Umabot na sila sa mga kalokohan nito noong nineteen-sixties.

Mr and Mrs Tantoco were the owners of MT Enterprises. Distributor ang mga ito ng mga food supplement. Nakilala ni Lindsay ang mga ito sa seminar noon sa Tagaytay. At dahil wala si Lindsay, si Jared ang nakipagkita sa mga ito. Siya ang naglibot sa mga ito sa buong planta at pagkatapos ay niyaya niya ang mga ito na mag-dinner.

Everything went well. Nakuha nila ang account. Dapat ay masaya si Jared. But he was not. Hati kasi ang atensyon niya.

Mag-iisang oras nang pinilit ni Jared na tumawa sa mga kuwento nito. It was all he could do to stop himself from tapping his fingers on the edge of the table. Sa ibang pagkakataon siguro at baka ma-enjoy niya ang pakikipagkuwentuhan kay Mr. Tantoco. But not tonight. He was worried.

Sa pagkakaalam niya ay six-ten ng gabi ang dating ng flight ni Lindsay pero mag-alas-nueve na ay wala pa ni isang message mula dito. Tinawagan niya ito ng bandang alas-sais y medya kanina pero naka-off pa rin ang iPhone nito. Inisip na lang niyang baka hindi pa nakakalapag ang eroplano pero sobra na ang halos tatlong oras. And he knew her flight left Singapore at two-thirty in the afternoon. Hindi na-delay ang pag-alis kaya dapat ay on-time ang pagdating. Kausap pa nga niya ito kanina bago ang boarding.

Gusto na niyang pumunta ng condo ni Lindsay para tingnan kung nandoon na ito pero hindi naman siya makaalis sa meeting. Ipinagkatiwala ni Lindsay sa kanya ang pakikipag-usap sa may-ari ng MT Enterprises. Papatayin siya nito kapag ibang bagay ang inuna niya kaysa sa negosyo.

"Pero alam mo, ngayong nakilala na kita, Jared, mas nakumbinsi pa ako na tama ang desisyon ko na huwag nang maghanap ng iba pang toll manufacturer. You really know your stuff. Iyong isa namin... masyado na silang maraming kliyente. Hindi na niya kaya ang schedule. Nabibitin ang deliveries sa amin."

Ngumiti si Jared. "Makakaasa po kayo na hindi 'yan mangyayari sa atin sa Lagdameo Labs. The moment the new lab becomes operational, baka nga kayanin na naming ia-accommodate ang lahat ng requirement n'yo."

"'Yan nga din ang sabi ni Lindsay no'n kaya hindi na kami naghanap ng iba. Plus the fact that she's really nice. Too bad, she can't join us tonight. Kailan ba ang dating niya?"

"If I'm not mistaken, Sir, she's arriving tonight." Pasimple niya uling tiningnan ang iPhone niya. Wala pa ring message. Alam niyang sinundo ito ng family driver pero hindi pa rin siya mapakali. Kanina pa nga niya gustong tawagan ang driver pero nagpigil siya. Hindi 'yon magugustuhan ni Lindsay.

"Ah, 'di bale, sa susunod siguro na meeting natin makakasama na siya."

"Definitely, sir," wika ni Jared. Ngumiti siya.

Ngumiti din si Mr Tantoco. Tumingin sa mga kasama. "O, ano, tara na din at gumagabi na?"

Ganoon na lang ang tuwang naramdaman ni Jared sa sinabing iyon ni Mr. Tantoco. "Ang aga pa kaya, Sir," wika niya. Of ocurse he had to pretend that he enjoyed every minute of their meeting.

"Naku, kapag ganitong talagang nagkakaedad na, gabi na ang alas-otso," wika nito.

Tumawa siya. "Kalabaw lang, ho, ang tumatanda."

Umiling si Mr Tantoco. "Naku, sabi-sabi lang 'yan. Sumasakit na ang lahat ng kasu-kasuan," wika nito. Tumawa. "Kunin na natin ang bill." Itinaas na nito ang kamay.

Pinigilan ito ni Jared. "I'll take care of it, Sir," wika niya. Itinaas na niya ang kamay niya para kawayan ang waiter.

"Eh, ang dami namin?"

The Widow's Peak (R-18)Where stories live. Discover now