LCIF 29: Sementeryo

Start from the beginning
                                    

"Ang dilim naman dito." Saad niya. Lumingon si Majz.

"Maliwnag na nga ngayon dito eh, dati-rati mas madilim pa diyan kaya maaga pa lang naghahapunan na kami tapos hindi na lumalabas ng bahay dahil takot kami." Saad ni Majz. Nag-mental note siya sa mga sinasabi ng dalaga.

"Jaise, is this where you live?" Tanong niya. Lumingon ang dalaga sa kanya na may ngiti sa labi kahit may lungkot ang mga mata nito.

"No. Sementryo yang papasukan natin." Napaapak siya sa aknyang brake na halos ikasubsob ni Majz sa dashboard.

"Cemetery?" Naghihilakbot niyang tanong. Hindi siya takot sa simenteryo pero Dios mio at kalahati naman. Sino ba ang nasa matinong pag-iisip na pupunta ng sementeryo na halos hatinggabi na. "What in the world are we gonna do here?" Dugtong niyang tanong.

"Gusto kong makasama si Nanay." Parang namang nilamutak ang puso ni Lance dahil sa lungkot na narinig niya mula sa boses ng kasintahan. Walang kibong pinausad ang kanyang sasakyan, mabagal lang.

"Just tell me when." Simple niyang saad. Wala siyang nakuhang sagot mula dito at kung meron man ay hindi niya nakita.

Halos limang minuto lang ay nakita na niya yung malaking puno na sinasabi ni Majz, May nakapalibot nga na upuan doon na siyang naging silbing pahingahan siguro. Sa kabila naman nito ay ang bukas na malaking gate na kahoy. Tumaas ang antas ng talas ng pakiramdam niya. Mabilis siyang napalingon ng umayos ng upo si Majz. Nilingon niya ito para lamang salubungin siya ng malungkot nitong mata. Kita niya yun kasi kahit papaano ay may malamlam na ilaw sa labas ng sementeryo.

"We're here." Sabi na lang niya. Para kasing nalunok niya ang kanyang dila dahil sa nakikitang sobrang lungkot ng mga mata nito. Ipinara ang kotse sa gitna mismo ng entrada. Kinabig niya si Majz palapit sa kanya at hinalikan ito sa noo. "Things will be okay. I don't know how and I don't know when but things I know things will be okay." Sabi niya na lang niya. Wala namang siyang ibang maisip na sabihin na magpapabalik ng ngiti sa mga mata nito.

"Lance, thank you. I don't know what I would do if you didn't come with me." Saad ni Majz. Humikbi ito. Mas lalo siyang naawa sa dalaga.

Gusto niyang patigilin ang pag-iyak nito pero hindi niya yun gagawin. Mas lalong mai-stress ang puso nito at baka humina din ng katulad ng sa kanya. Kailangan niyang maging matatag ngayon dahil may inaalala na siya. Nasa kanya na ang pangarap niya.

"It's alright. What kind of boyfriend am I if I won't be where you are." Pilit niyang pinagaan ang boses.

"Alam mo ang bait mo. Bakit?" Tanong nito. Bahagya niyang inilayo ang dalaga para tingnan ang mga mata nito.

"What do you mean Bakit?" Bahagya siyang tumawa. Ngumuso naman si Majz. Kung hindi nga lang alalanganin ang panahon at sitwasyon ay paniguradong siniil na niya ang halik ang nakakagigil na anyo nito kahit na malungkot ay kaakit-akit pa rin. Kahit madilim pa ang paligid ay para itong isang neon sign na kumukinang. Oh God, Lance. Umayos ka nga!

"Bakit ang bait mo sa akin." Napapailing siya sa tanong ni Majz.

"Ano namangng klaseng tanong yan?" Bwelta niyang tanong dito ngunit hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong sumagot pa. "It's midnight. We are in the cemetery and you are asking me that question?" Tinitigan lang siya nito na parang nag-iisip ng sasabihin.

"Ano naman ang..."

"Can we just move on. You want to be with your mom? Then let's go." Hindi naman sa ayaw niyang masolo ang dalaga. Kaya lang, Dios mio nga naman, nasa sementeryo sila 'no.

"Still. Salamat pa rin." sagot na lang nito sa kanya. Lumamlam ang mga mata niya. Nainis siya sa sarili dahil sa pasuplado niyang pagkakasalita.

"It's okay. I just want to have a little more time with your mom bago pa sumikat ang araw." Ngumiti naman ito sa kanya. "Saan ba ang gravesite ng mommy mo?" Tanong niya dito.

Lights! Camera! I've Fallen...Where stories live. Discover now