Kabanata 19

1.3K 66 19
                                    

Kabanata 19


NAPABUGA ng hangin si Ash at pasalampak na umupo sa gitna ng open court. Walang tao dito sa SVU dahil bakasyon na. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya sa lugar na ito. Siguro ay masokista siyang talaga. Dahil imbes na iwasan ang mga lugar na makapagpapaalala sa kanya kay Rein, heto siya ngayon at nandito pa sa open court.

Humiga siya sa pinakagitnang bahagi ng open court. Itinakip niya sa mga mata ang magkabilang braso. Ilang balde na ba ng luha ang nailabas niya subalit parang hindi maubos-ubos ang luha niya?

Bakit ba hindi na siya napagod sa pag-iyak?

How she wanted to be with her parents right now. Gusto niyang maramdaman ang yakap ng tatay niya habang sinasabi nito na magiging maayos din ang lahat. Gusto niyang matikman ang comfort food na iniluluto ng nanay niya kapag malungkot siya.

Pero paano 'yon kung galit ang mga ito sa kanya? Years had passed pero hindi pa rin siya napapatawad ng mga ito. Ni ha, ni ho, waley.

She felt so alone right now.

Nagulat siya nang may maramdamang mabigat na bagay ang dumantay sa tiyan niya. Nang inalis niya ang braso sa mata, nagulat siya ng ang bumulaga sa kanya ay isang mukhang nagtataglay ng kulay berdeng mga mata.

"I'm sorry."

Namuo ang luha sa mata niya. Noong una ay nagpaparaya raw ito. Ngayon ay nagso-sorry ito. Ano bang gusto nitong palabasin?

Humiga ito sa tabi niya at tumingin sa langit. Papalubog na ang araw kaya hindi masakit sa mata ang tumingin doon.

"I've been a coward, I admit. When I heard what my brother had told you, that he's the one who was in your dream, I became scared. I remembered what you told me, that your dream was a premonition. Naisip kong premonition iyon na si Kuya Storm ang para sa 'yo at hindi ako. Then when you learned that I've accepted the offer abroad, hindi mo ako pinigilan. I thought it was because you've met my brother and I have no use for you anymore." Ipinatong nito ang isang braso sa noo habang ang libreng kamay ay ginagap ang kanyang isang kamay at pinisil iyon nang marahan.

Gusto niyang itanggi ang sinasabi nito subalit nanatili siyang tikom ang bibig at nanatiling nakikinig sa iba pa nitong sasabihin. Siguro ay panahon na para ito naman ang magpaliwanag. Siguro ay tama na ang isang araw na pagtatago niya sa lalaki. Gusto na rin niyang marinig ang side nito. Isa pa, gusto pang maniwala ng puso niya. Na sana'y...

"When I told you I wasn't into relationship, totoo 'yon. Marami akong gustong maabot, marami akong gustong patunayan sa pamilya ko. Pero nang patuloy kang lumalapit sa akin, I don't know what happened to me. Nakikita ko na lamang ang sarili kong nag-e-enjoy sa presensya mo, sa mga kalokohan mo. Ikaw lang ang babaeng hinayaan kong mapalapit sa akin. Noong una, pumayag ako sa proposition mo dahil naisip kong kapag magkasama tayo at nakita mong hindi kita nagawang mahalin, ikaw na mismo ang magkukusang lumayo sa akin. Pero nag-backfire sa akin ang plano ko dahil maging ako ay hindi na makayang lumayo sa 'yo. Noong una, hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit. Ngayon, alam ko na." He paused then he looked at her straight in the eyes and at the same time, he lightly caressed her cheeks. "Mahal na pala kasi kita."

Naitakip niya ang magkabilang kamay sa bibig upang pigilan ang pagkawala ng isang hikbi.

"Noong dinala kita sa bahay para makausap mo ang kuya ko, sa isip ko ay nagpaparaya ako. Pero napagtanto kong tumatakbo pala ako sa problema. Pero noon 'yon. Ibang Rein na ako ngayon, Ash. Hindi ka 'yong babae na hinahayaang mawala na lamang. Ikaw 'yong babaeng dapat ipaglaban. Kaya 'yon ang gagawin ko. I'm willing to decline the offer abroad just to be with you. Kasi mahal na kita. I'm willing to fight that fucking destiny because I love you."

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon