Kabanata 6

931 48 26
                                    

Kabanata 6


SIMANGOT na pinagmamasdan ni Ash ang pagpatak ng ulan. Dahil sa pina-edit na article sa kanya ng editor in chief ng school paper nila, ginabi na naman siya ng uwi. Ang masaklap, inabutan siya ng ulan. Wala pa naman sa bokabularyo niya ang salitang payong.

"Mukhang mag-o-overnight ako dito, ah," mahinang aniya.

Buti pa ang ibang kasabay niya kanina, nakauwi na dahil may sundong mga boyfriend. Eh, siya? Ayon, nasa nobela ang boyfriend.

Biglang pumasok sa isipan niya ang prince charming niyang si Rein. Hindi niya maiwasang kiligin nang maalala ang nangyari dalawang araw ang nakalipas, noong sinalo siya nito noong nalaglag siya sa puno. Inangilan man siya nito, alam niyang dahil iyon sa concern nito para sa kanya. Hindi man nito aminin iyon pero alam niyang concern ito sa kanya.

Idagdag pa na nakanakaw siya ng halik dito kahit ba sa pisngi lamang iyon. Alam niyang panis na ang pangyayaring ito pero kilig na kilig pa rin siya nang ten times.

Siguro nga ay makapal na ang mukha niya pero gusto lamang niya kasing magkaroon ng tsansa na mapalapit sa lalaking gusto niya. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga ay masaya siya sa kanyang ginagawa.

At si Rein ang nagpapasaya sa kanya.

Huminga siya nang malalim at muling napatingin sa pagpatak ng ulan. Wala namang importanteng gamit sa bag niya maliban sa wallet at paper bills kung kaya't maaari niyang sugurin ang ulan. Walang pagdadalawang-isip na sumugod siya sa ulanan.

Hindi pa nakakalayo nang hindi na niya nararamdaman ang pagpatak ng ulan sa ulo at katawan. Akala niya ay tumila kaagad ang ulan. Subalit pagtingala niya, isang kulay asul na payong ang nakasaklob sa ulunan niya.

Gulat na binalingan niya ang may hawak ng payong.

It was her Prince X!

"Rein!" gulat na bulalas niya.

"Kababae mong tao, wala kang payong," simpleng anito.

Ngumiti siya at tahimik na kinilig. Though a scowl was present on his face, the fact that he shared his umbrella with her brought happiness in her system.

"Mabigat sa bag, eh."

Napapitlag siya nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya at inilagay doon ang hawakan nitong payong. Bago pa siya makakibo ay tumakbo na ito palayo sa kanya.

Hindi mapuknat-puknat ang ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa tinakbong lugar ni Rein. Hindi ba't nilalayuan nito ang mga babaeng may gusto dito? Pero bakit ito pa mismo ang lumapit sa kanya at nagpahiram ng payong?

Score!


INILIBOT ni Ash ang paningin sa loob ng library. Nagningning ang kanyang mata nang makita sa pinakasulok ang kanyang hinahanap. Nakangiting nilapitan niya ang natutulog na pigura. Hindi niya mapigilan ang sarili at kinuhanan ito ulit ng larawan.

Ang taong tinitingnan niya ay walang iba kundi si Rein.

Mabuti na lamang at nagtanong siya sa kaibigan nitong si Kei kung nasaan ito kaya't nalaman niyang nandito ito. Ang amo-amo ng mukha nito habang natutulog. Tila ba hindi ito ang Rein na sumupalpal sa feelings niya para dito.

Hindi ka naman bitter niyan?

Umupo siya sa silyang katapat nito at kumalumbaba. Tila ba kuntento na siya na titigan lamang ang lalaki. Sapat na ang presensya nito para mapagaan at mapaganda ang pakiramdam niya. At bakit ba kapag nakikita niya ito, palagi itong tulog?!

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Kde žijí příběhy. Začni objevovat