Kabanata 13

964 57 17
                                    

Kabanata 13


MAY NGITI sa mga labi at pakanta-kanta pa sa isip si Ashleigh habang binabagtas ang daan papunta sa library. May natanggap siyang text message galing kay Rein at sinabi nitong nasa library ito. Puntahan daw niya ito kung may oras siya.

As if naman mawawalan siya ng oras pagdating sa lalaking ito.

A blissful smile appeared on her face when she remembered how he cared about her health when she became sick four days ago. Halos hindi na ito pumasok sa mga klase nito para lamang bantayan at alagaan siya.

She felt his concern and his care then. Who wouldn't be happy, right?

Noong umaga na namulatan niya si Rein sa tabi niya, pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamasayang umaga at paggising niya sa buong buhay niya. If she would be given a chance to have him on her side every morning, she'd grab it without second thoughts.

Nabanggit din ni Rein na alaga pala nito ang pusang napulot niya noong araw na nagkasakit siya.

At sa kabila ng walang prenong sermon ni Rein sa kanya, gumaan ang pakiramdam niya nang sobra. She could feel that the feelings he never thought he would have was starting to come out. She was glad.

Nang marating ang library, napakunot ang noo niya nang makitang may babaeng nakaupo sa dapat ay puwesto niya sa tapat ni Rein. Sino ang epal na babaeng iyon?!

Dahan-dahan siyang lumapit sa lugar ng dalawa at pasimpleng pumuwesto sa gilid ng estante ng mga libro upang hindi siya makita ng mga ito pero maririnig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"May lakad ka ba sa fourteen, Rein?" tanong ng "impaktang" babaeng iyon.

Bakit? Anong mayroon sa fourteen?

Wala siyang narinig na tugon kay Rein.

"Ahm, puwede ka bang ayaing lumabas? You know, a date."

Aba't ang lakas ng loob mo, ah!

Bumalot ang selos sa puso niya. Subalit kaagad din nawala iyon nang marinig ang isinagot ni Rein.

"I'm not interested. Sorry."

Go, Rein!

Todo-siksik siya sa estante lalo na nang biglang dumaan ang babaeng kausap ni Rein. Hindi nga siya sigurado subalit tila umiiyak pa ang babaeng iyon.

"'Wag kang magtago riyan, Ashleigh," narinig niyang wika ni Rein.

Kagat ang ibabang labi na lumabas siya sa pinagtataguan at nilapitan ito. May sixth sense ba ito at alam nitong nandiyan siya? O may "Ashleigh" sense ito? Ho-ho.

"Mahilig kang maniktik, 'no?"

Pabagsak na umupo siya sa tabi nito. "Hindi ah! Binigyan ko lang kayo ng privacy!"

"Pero nakikinig ka pa rin."

"Curious ako, eh."

"Huh."

Nagulat siya ng may inilapag ito sa tapat niya. Isang bite size na musketeers. "Para sa akin 'to?" nanlalaki ang matang aniya sa lalaki.

Mula sa librong binabasa nito ay iniangat nito ang paningin at binalingan siya. "Iaabot ko ba sa 'yo kung hindi 'yan para sa 'yo?" tila yamot na anito sa kanya but she knew he was just kidding since she saw the soft glint in his eyes.

Ang pogi!

Nag-peace sign siya. "Sorry, nabigla lang ako. Thank you!"

Kaagad niyang nilantakan ang tsokolate. Pero imbes na itapon ang balat, itinago niya iyon sa pagitan ng notebook niya.

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Where stories live. Discover now