Kabanata 3

1.1K 54 26
                                    

Kabanata 3


NAPANGISI si Ash habang nakatanaw ng pa-simple kay Rein. Nagpa-practice ang lalaki sa open court at nandito siya sa isa sa mga bleacher, tinatanaw ito. Ang kalaban nito ay ang kaibigan-slash-club member nito na si Reus. Seryosong-seryoso si Rein habang naglalaro. Ang guwapo-guwapo nitong tingnan. Despite the sweat forming on his forehead, he still looked so cool.

"Mag-apply kaya ako bilang towel girl niya?" Napabungisngis siya sa naisip at kinuhanan ito ng larawan.

Ang Rein na tinutukoy niya ay ang lalaking tumulong sa kanya noong naligaw siya. Ito rin ang lalaking nakabanggaan niya noong isang linggo. Sa loob ng isang linggo ay pasimple siyang naghanap ng impormasyon patungkol sa lalaki.

Prince X—iyan ang tawag niya kay Rein dahil halos nasa lalaki na ang lahat ng X-factor na hinahanap niya. Halos ito na ang bukambibig niya araw-araw. Kuliling-kulili na nga sina Arianne dahil sa paulit-ulit niyang pagbigkas sa codename nito.

Muli'y pasimple niyang tiningnan si Rein. Nag-iipon pa siya ng balde-baldeng lakas ng loob para lapitan ito. Alam niya kasing iiwasan o hindi siya nito papansinin sa oras na lapitan niya ito. Kailangan niya ng maraming fighting spirit at kakapalan ng mukha! Sa loob kasi ng halos isang linggong pag-tanaw-tanaw niya kay Rein, may napansin siya sa ugali ito—deadma ito to the highest level sa lahat ng babaeng nagpapapansin at nagpapa-cute dito.

Pero kahit suplado at hindi namamansin si Rein, hindi mabawas-bawasan ang "fans" nito. Napakaguwapo kasi nito. Matangkad ito sa edad nito. Maputi ito dahil na rin marahil sa dugong banyaga na dumadaloy sa katawan nito. May mapupula at mapipintog itong mga labi na kahit na sinong babae ay ka-i-insecure-an kapag nakita iyon. Ang ilong naman nito ay tila nililok ng isang magaling na iskultor. Subalit ang pinaka-asset at agaw-pansin sa lalaki ay ang mata nito.

His hazel green eyes could literally make her world stopped spinning. It was his hazel green eyes that drew her to him.

Bihira din kung ngumiti si Rein.

Sabihin mo, hindi talaga siya ngumingiti.

Okay, hindi mahilig ngumiti si Rein. At nakikita lamang niya itong nagsasalita kapag ang kausap nito ay ang mga kaibigan nito na miyembro ng Tennis Knights—ang grupo ng tennis players sa campus nila na pulos guwapo ang mga members. May pagka-suplado talaga si Rein lalo na sa mga babaeng nagkakagusto dito.

Kaya dapat ay bilyong-bilyong lakas ng loob ang ipunin ko, aniya sa kanyang isip.

"Holy shit! Miss, ilag!"

"Bata, tabi!"

Dahil sa sobrang lalim ng kanyang pag-iisip ay hindi niya namalayang may "ligaw" na bola ng tennis pala ang papunta sa kanya. Nadaplisan siya sa noo ng bola.

"Putek! Aray!" mangiyak-ngiyak na aniya habang hawak-hawak ang nadaplisang noo. "Tumatanaw lang naman po ako, ah? Bakit Niyo po ako pinaparusahan?" mahinang aniya.

"Are you okay, Miss?"

Sumimangot siya. "Ikaw kaya ang tamaan ng bola sa noo, magiging okay ka—" Napahinto siya sa pagtatalak nang makita ang mukha ng lalaking lumapit sa kanya. Si Rein.

Aw shit! Ano nang sasabihin ko?!

Kumunot ang noo nito. "Kung hindi ka lang sana dito sa open court nagde-daydream, hindi ka sana dadaplisan sa noo ng bola," anito at tila binigyang diin pa na na-daplisan lamang siya.

"Daplis man o hindi, masakit pa rin kaya," nakalabing aniya kay Rein.

Hindi niya alam kung imahinasyon niya lamang subalit tila may dumaang pag-aalala sa mga mata nito. Subalit kaagad iyong nawala.

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Where stories live. Discover now