Kabanata 5

969 54 19
                                    

Kabanata 5


NAPAKUNOT ang noo ni Rein nang makita ang pamilyar na pigurang nakaupo sa sanga sa isa sa mga puno sa likuran ng main building. Papunta na dapat siya sa gym nang mapadaan at mapuna iyon.

The girl was holding a professional camera and it was hiding half of her face but he could still recognize her though he didn't know how and why.

It was Ashleigh. Ang makulit na babaeng walang takot na nagsabi sa kanyang gusto siya nito. Ilang babae na ba ang nagtapat sa kanya simula noong nasa high school siya subalit tanging kay Ashleigh lamang siya na-a-amuse imbes na mainis.

Nakikita na lamang niya ang sariling tinatahak ang daan papalapit sa babae imbes na dumiretso sa gym. Tila ba may pwersang humahatak sa kanyang lapitan ito. Ilang hakbang pa ang layo niya dito nang mapansing tila mawawalan ito ng balanse mula sa pagkakaupo sa sanga ng puno.

"Damn!"

Malalaki ang hakbang na inalis niya ang agwat sa pagitan nila. Eksaktong nakatayo na siya sa ibaba nito nang bumagsak ito. Kaagad niyang ipinulupot ang magkabilang braso sa katawan nito. Nasalo niya ito subalit nawalan siya ng panimbang kung kaya't bumagsak siya habang nakapaimbabaw ito sa kanya.

He could feel her softness against his hard body and he could feel the warmth coming from her because of their position right now.

"Shit!" sikmat niya nang tumama ang ulo sa sahig.

"Oh my gosh! Ayos ka lang ba, Rein? Anong masakit sa 'yo? Kailangan ko ng ambulansya! Hala!" natatarantang wika ni Ashleigh sa kanya. Hindi pa rin ito tumatayo sa pagkakadagan sa kanya. "CPR na ba kita?!"

May naramdaman siyang mainit subalit malambot sa kanyang pisngi.

"Are you dead yet, Rein?"

Iminulat niya ang mga mata. His green eyes met her chocolate ones. And it was as if something inside of him shifted that he set aside for now.

"Mamamatay ako kapag hindi ka pa tumayo," angil niya sa babae. Naiinis siya dito dahil umaakyat ito ng puno. Papaano na lamang kung hindi siya nakadaan at hindi niya ito nasalo? E di nagkandalasog-lasog ang buto nito ngayon?

"Sorry, sorry!" Kaagad naman itong tumayo at lumuhod sa tabi niya. Bahagya pa siyang nagulat nang maramdaman ang paghaplos nito sa pisngi niya. "Halika, dadalhin kita sa ospital," anito at hinawakan siya sa braso.

Kaagad siyang pumiksi sa pagkakahawak nito dahil iba ang pakiramdam niya kapag nagdadaop ang balat nilang dalawa.

Tumayo na siya. "Are you okay?" Hindi niya maiwasang sipatin ang hitsura nito, kung may galos ba ito o sugat sa pagkakabagsak nito.

"Huwag ako ang intindihin mo. Baka may concussion ka."

Isang sipat pa sa kabuuan nito ang ginawa niya upang tiyaking ayos lamang ito. Nang masigurong ayos ito ay hindi na siya kumibo at naglakad na paalis. Hindi pa man siya nakakalayo nang nilingon niya ang babae at tiningnan ng diretso sa mata.

"Next time, huwag kang aakyat ng puno. Hindi ka unggoy para gawin 'yan. Your life is more important than those pictures, itanim mo 'yan sa isip mo," hindi niya mapigilan ang sariling sabihin dito.

Malayo na rin ang nalakad niya nang marinig niya ang tinig nitong sumigaw sa pangalan niya. Paglingon niya ay nakangiting nakatingin sa kanya si Ashleigh. Tumatakbo ito papunta sa kanya.

"What?" tanong niya nang hinihingal na mapatapat ito sa kanya.

"Thank you!" anito at sa pagkagulat niya ay bigla siyang ginawaran nang maagang halik sa pisngi.

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Where stories live. Discover now