Kabanata 8

914 51 21
                                    

Kabanata 8


ALAM ni Ashleigh na lumiwanag ang kanyang mukha nang makita ang nakatalikod na pigura ng lalaking nakatayo sa may roof top ng main building dito sa SVU.

After three days of searching and looking for him, she finally saw him again. Pinagsawa niya muna ang paningin sa nakatalikod na pigura ni Rein. It was sunset and the dim rays of the sun were giving a certain feeling around Rein.

Binuksan niya ang bitbit-bitbit na DSLR at ilang shots ang ginawa kay Rein. Sa dami ng larawan niyang ito ang subject, maaari na siyang gumawa ng photobook nito.

Pagkatabi ng camera ay nilapitan niya si Rein. Kahit nang makatayo na siya sa tabi nito ay hindi pa rin siya nito nililingon. Tila ba kay lalim ng iniisip nito base sa malayong tingin nito.

"Bakit absent ka ng ilang araw?"

"I'm with my brother," simpleng tugon nito.

Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Subalit kaagad din nitong pinutol iyon.

"Why are you doing this, Ashleigh?"

Nagulat siya sa tanong na iyon ni Rein.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Bakit patuloy mo akong nilalapitan kahit ilang beses na kitang tinataboy at nilalayuan?"

Napahinga siya nang malalim at ibinaling ang paningin sa papalubog na araw. "Because I like you, Rein." Hindi niya talaga lubos maisip na darating ang panahon na harap-harapan niyang aaminin sa isang lalaki na gusto niya ito—at paulit-ulit pa!

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Rein. "I think you should stop doing this, Ashleigh."

Kaagad na binalingan niya ito. Alam niyang nasa mukha niya ang pagtutol. "But—"

Itinaas nito ang kamay upang pahintuin siya sa pagsasalita. "Somehow, I can tolerate your company. But... I don't know how to like someone, Ashleigh. I don't know if I'm capable of feeling those kinds of feelings for now."

She could feel her heart breaking when she saw in his eyes that he truly believed what he had said—that he was not capable of having those kinds of feelings.

"But why? Walang taong hindi kayang makaramdam, Rein."

"Maybe because I'm different?" Itinukod nito ang magkabilang kamay sa wired fence sa harapan nila at ipinokus ang paningin sa kalangitan.

No! Ganoon na lamang ang pagtutol ng puso niya sa sinabi nito. Hindi siya naniniwala na wala itong kakayahang makaramdam, na wala itong kakayahang magmahal.

"So to not hurt you further, I suggest you forget whatever feelings you have for me, Ashleigh."

She gathered all her will to stop her tears from falling. Tila may sumuntok sa puso niya sa sinabi nito.

Lumunok siya dahil tila may nagbara sa lalamunan niya.

Naramdaman niya ang marahang pagpatong ng kamay nito sa ulo niya bago ito tuluyang tumalikod. Nasa pintuan na ito nang isinigaw niya ang pangalan nito.

"I'll make a proposition for you."

Huminto ito sa akmang pag-alis subalit hindi lumingon sa kanya. Nanatiling nakaumang ang kamay nito sa seradura ng pinto.

"Be my boyfriend for a month. I'll help you find the missing feeling in your heart. Be my boyfriend and let me help you see that you can feel, too, that you have feelings, too. Let me make you realize that you are not a robot."

Nilingon siya ni Rein. Seryoso ang mga mata nito at wala siyang mabasa ni isang emosyon doon.

"At kung sa huli ay wala pa rin?"

Lumunok siya. "Then I'll stay away from you. Just like what you wanted for me to do. Just try being with me." Please, dugtong niya sa isip. She might sound so pathetic right now but she could not help it. Hindi niya gustong magkaroon kaagad ng tuldok ang papausbong pa lamang na pagmamahal niya kay Rein dahil lamang naisip nitong hindi nito kayang magmahal.

Hindi siya sigurado subalit tila lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.

"Masasaktan ka lang sa huli."

Ngumiti siya. "It will be worth it dahil kahit sandali lang, naranasan kong makasama ka."

Wala siyang narinig na tugon mula sa lalaki. Nanatili itong nakatingin sa kanya na tila binabasa kung totoo ang sinasabi niya. Pinanatili niyang diretso ang tingin dito. Gusto niyang malaman nitong seryoso siya.

She was willing to take risk for him; for this feeling that bloomed in her heart for the first time.

Yumuko siya ng ilang minuto na ang lumipas subalit wala pa rin tugon mula sa lalaki. Mukhang tinanggihan nito ang alok niya. Subalit kaagad siyang nabuhayan ng loob nang may maramdamang mainit na palad sa magkabila niyang balikat.

"For a month, I'll be your boyfriend. Let's see if I'm capable of feeling emotions like what you had said."

Hindi niya napigilan ang sarili at niyakap nang buong higpit ang lalaki. When he agreed to her proposition, pakiramdam niya ay binigyan siya nito ng pagkakataong iparamdam dito kung gaano niya ito kagusto.

Tila sandali pa itong nag-alinlangan subalit naramdaman din niya ang pagpulupot nang matatag nitong braso sa katawan niya.

She vowed silently that she would do everything within her power to make him see that love was a beautiful thing and everyone was capable of feeling that certain emotion.


REIN could not help but wrapped his arms around the tiny girl hugging him. Nang sinabi niya kay Ashleigh na mas gusto niyang layuan na siya nito ng tuluyan para sa kapakanan nito, bukal sa loob niya iyon. He knew he was not capable of loving someone—even liking someone.

Noong kausap niya ang Kuya Storm niya, doon tumimo sa isipan niya na wala siyang kaalam-alam pagdating sa usaping pampuso. So to not hurt her more, he needed to stop her from being close to him. He did not know why he didn't like the thought of her being hurt because of him.

Subalit nang marinig niya ang pakiusap at pagsusumamo sa tinig nito, pakiramdam niya ay may pumisil sa puso niya. Hindi rin niya nagawa ang planong palayuin ito sa kanya.

Siguro ay pumayag siya sa alok nito dahil gusto niyang tulungan ang babaeng magkaroon ng closure sa damdamin nito sa kanya. Maybe, after being with him for a month would make her realize that he was not worth liking. Maybe that would make her stop whatever feelings she have for him.

Siguro ay ganoon na nga iyon.

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Where stories live. Discover now