Kabanata 18

1.1K 48 9
                                    

Kabanata 18


ASHLEIGH just kept on staring at the blank page on her laptop. Hindi pala niya ito laptop kundi laptop ni Rein. Dapat na rin pala niya itong isauli sa lalaki. Pero papaano niya iyon magagawa kung ang malapitan ito ay hindi niya magawa?

Huling beses na nakita ni Ashleigh si Rein noong graduation ng mga estudyante sa Saint Vincent. Sandali lamang iyon dahil pumunta kaagad siya kina Arianne upang tiyaking nagkaayos na ito at ang ngayon ay nobyo na nitong si Kei.

Hindi niya maiwasang mainggit sa kaibigan dahil ngayon ay naayos na nito ang nagulo nitong love life. Siya kaya?

Isinara na lamang niya ang laptop at pabagsak na humiga sa kama. Ipinatong niya ang braso sa mata at pumikit nang mariin. Hindi na niya napigilan ang luha niya. Ilang araw na ba ang lumipas simula noong mag-isa na lamang siyang tumatambay sa dating tinatambayan nila ni Rein?

Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang binitawan nitong salita.

"I know someone out there will love you the way you deserve to be loved, Ashleigh. But it's not me. I'm sorry."

Nasaktan siya sa salitang iyan subalit sa kabila ng sakit sa puso niya, hindi naman niyon magawang limutin si Rein. Sa kabila ng sakit ay patuloy pa rin niyang minamahal ang lalaki. Ganito ba kapag nagmahal? Nagiging sobrang tanga?

Idagdag pa na pupunta na sa America si Rein. Oh, makakaya naman niya kapag pumunta ng America si Rein. Ilang taon lamang iyon at para naman iyon sa pangarap ng lalaki. Pero makakaya niya lamang iyon kung malalaman niya mula dito na mahal siya nito—dahil kapag ganoon ay may mapanghahawakan siya na babalikan siya nito.

She was not selfish. Gusto niyang maabot nito ang pangarap nito subalit kasabay niyon, gusto rin niyang may panghawakan na kahit maghintay siya, alam niyang babalik ito para sa kanya. Kung sana ay natutunan lamang siya nitong mahalin.

Narinig niya ang pagbukas-sara ng pintuan niya subalit hindi na lamang niya iyon pinansin. Si Hannon siguro iyon. Naramdaman niya ang paglundo ng kama niya at ang marahang paghaplos ng kung sinuman sa likuran niya.

"Sshh. Everything will be okay, Ash. Don't cry," tinig iyon ni Ian.

"Masakit pala talaga kapag sobra-sobra kang umasa tapos malalaman mong sa huli, lahat ng inasahan mo, hindi pala totoo," aniya habang patuloy sa pagpatak ang mga luha.

"Ganoon naman 'di ba talaga kapag nagmamahal ka? Hindi mo maiiwasang umasa at mag-assume. Nagmahal ka, eh."

"Alam ko. Alam ko naman sa umpisa na masasaktan lang din ako pero sumige ako, nagpatuloy ako kasi umasa akong matututunan niya akong mahalin. Akala ko minahal niya rin ako. Akala ko lang pala 'yon."

Naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa magkabila niyang braso. Pagkatapos ay pilit iyong inalis sa pagkakapatong sa mata niya.

"Ibabalik ko sa 'yo ang tanong mo sa akin noon, Ash. Sumusuko ka na ba?"

Maisip lamang niya na tuluyan na niyang kakalimutan ang lalaki ay nagdudulot na ng ibayong sakit sa puso niya.

Could she do it this time? Pinangako niya kay Rein noon na kapag hindi siya nito nagawang mahalin ay lalayuan niya ito. Magagawa ba niya iyon?

"Ano, Ash? Isusuko mo na lamang ba 'yang pagmamahal mo kay Rein?"

Pero tanga siya, eh. Masokista rin. Hindi nadadala. Hindi nagsasawa.

Dumilat siya at sunod-sunod ang pag-iling. "Ayoko, Arianne. Kung masakit na nalaman kong hindi niya ako nagawang mahalin, mas masakit kapag naiisip ko pa lamang na isusuko ko na ang pagmamahal ko sa kanya."

Marahan nitong hinaplos ang buhok niya. "Then bakit ka nagmumukmok dito? Nasaan na 'yong Ashleigh na walang takot na inamin sa isang lalaki na gusto niya ito? Nasaan na 'yong Ashleigh na palaban?"

Nagkibit siya ng balikat. "I can't seem to find that Ashleigh..."

"Nandiyan lang siya, Ash. Siguro'y natatakpan lang siya ng sakit sa puso mo," sabi naman ni Ian.

"Sa ating tatlo, Ash, ikaw ang pinakamatapang, pinakamalakas. Ngayon ka pa manghihina gayong sariling happy ending mo na ang pinag-uusapan?"

Parang may pumisil sa puso niya habang iniisip si Rein. Hindi na niya alam kung ano pa ang maaari niyang gawin ngayon. If she ran to him, would it change the fact that he didn't love her the way she loved him? Could she still wait for him without the assurance of him coming back for her?

Naramdaman niya ang pagpisil ni Arianne sa kamay niya.

"Do you believe in destiny, Ash?"

Naniniwala ba siya doon? Isang kibit ng balikat ang isinagot niya.

"Kung kayo talaga para sa isa't isa, kayo talaga kahit na anong problema ba ang humadlang sa pagitan ninyong dalawa."

Nakaalis na ang dalawang kaibigan subalit malalim pa rin ang kanyang iniisip. Mula sa drawer sa gilid ng kama ay inilabas niya ang latest published novel niya. It was the novel that was inspired because of Rein.

"The Prince I Love," basa niya sa title ng pocketbook. For her, Rein would always be her prince, the one who would show her the right path when she didn't know where to go. The prince who hurt her and yet, he still held all the crushed pieces of her heart.

Makakaya ba niyang tuluyang malayo sa lalaki ng ganito ang nangyari sa pagitan nila?

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Where stories live. Discover now