Kabanata 12

881 53 12
                                    

Kabanata 12


"MEOW."

Napakunot-noo si Ash nang marinig ang ngiyaw ng pusa. Pauwi na siyang mag-isa dahil mayroon pang club meeting si Rein. May paglalamayan kasi siyang nobela kung kaya't hindi na niya nahintay pa ang lalaki. Ang sabi naman ni Rein ay maaari silang lumabas kinabukasan. Date, ba. Hindi na niya binanggit sa lalaki na masama ang kanyang pakiramdam dahil baka maunsyami pa ang date nila.

Muli niyang pinakinggan ang ngiyaw ng pusa. Hindi niya alam kung bakit subalit may tinig sa sulok ng isipan niya ang nagsasabing hanapin niya ang pusang iyon.

Mula sa isang eskinita ay nakita niya ang isang puting pusa. Nilapitan niya iyon at walang pagdadalawang-isip na binitbit. Sa leeg nito ay may tag na may nakasulat na Ryoma.

"Nasaan na ang amo mo?" tanong niya na tila ba masasagot siya nito.

"Meow."

"Saan ka nakatira?"

"Meow."

Napangiwi siya. "Bakit ba kita kinakausap?"

"Meow."

Naglakad-lakad na siya habang bitbit ang pusa. Hindi niya alam kung bakit ganito na lamang ang pag-aalala niya sa pusang ito. "Nasaan ba kasi ang amo nito?"

Napangiwi siyang muli nang may mapagtanto. Papadilim na at nagbabadya ng pag-ulan. Wala pa naman siyang dalang payong!

Shuteeeeek!

"Hala! Kapag ako naabutan ng ulan kasalan mo!" paninisi niya sa pusa. At tila naintindihan siya nito dahil ngumiyaw na naman ito. "Fine, hindi mo na kasalanan. Kasalanan ng amo mo."

Napabuga na lamang siya ng hangin at binilisan ang paglalakad. Malapit na naman siya sa boarding house niya. Mga ilang kanto na lang. Hindi pa siya nakakalayo nang maramdaman niya ang pagpatak ng tubig sa noo niya.

Kung hindi ba naman siya minamalas, naabutan pa siya ng ulan!

Patakbong sumilong siya sa pinakamalapit na masisilungan. Dahil masyadong maliit ang sinisilungan ay natatamaan pa rin siya ng ulan. Inilabas niya ang cell phone sa bag. Akmang tatawagan niya si Rein para magpasundo ng bigla iyong namatay.

Battery empty. Na naman.

"Grabeng kamalasan na 'to, ha!" naiinis na aniya. Niyakap niya ang pusa sa bisig ng umihip ang malakas na hangin. Wala ng epekto ang pagsilong niya dahil basang basa na rin siya ng ulan dahil sa anggi.

Alam niyang hindi siya maaaring magpaulan dahil hindi malayong magkasakit siya. Ilang araw na siyang walang tulog dahil sa paghahabol sa mga requirements sa school at sa publication house na pinagpapasahan niya ng manuscript. Pero kung tetengga siya dito, baka lalo siyang magkasakit dahil sa papalakas na ulan.

Binalabal niya sa bitbit na pusa ang panyo. Hindi kakayanin ng konsensya niya kapag napano ang pusang ito dahil sa ulan.

Yakap-yakap ang pusa na tinakbo niya ang natitirang distansya papunta sa boarding house na tinutuluyan niya. Pagkarating na pagkarating ay kaagad niyang isinaksak ang cell phone niya.

Nagpalit lamang siya ng damit at pinunasan ang nabasang pusa. Ang balak niya ay tawagan si Rein at tingnan ang lagay nito. Subalit pagkahigang-pagkahiga niya sa kama ay nahatak kaagad siya ng antok...



MULA sa pagliligpit ng mga gamit ay binalingan ni Rein ang kanyang tumutunog na cell phone. Mayroon siyang apat na missed calls galing sa Kuya Storm niya. At ito rin ang tumatawag ngayon sa kanya.

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Where stories live. Discover now