"He loves me..." mahinang aniya. Napangiti siya nang maluwang dahil sa kaisipang iyon.

"Plano niyang tanggapin ang alok ng isang university sa America, Ash. After the semester which was weeks from now, aalis na siya."

Itinulos siya sa kinauupuan nang marinig ang sunod na sinabi nito. Kahit siguro bagsakan siya ng bomba sa harapan ay hindi siya matitinag sa pagkakaupo.

Isinaksak na niya sa isipan na maaaring umalis si Rein. Pero kapag pala confirmed nang aalis ito, masakit pa rin. Dito na ba iyong parte na magle-let go na siya?

"Compromise, Ash. Talk to him and let him open up to you. Let him fight for you," nakangiting ani Storm sa kanya.

Napahinga siya nang malalim. Kailangan na niyang makausap si Rein.



PINAGMASDAN ni Ash ang nakatalikod na pigura ni Rein. Dito niya nakita ang lalaki sa garden sa likod ng bahay ng mga ito. Nakatayo ito at nakatingala sa kalangitan habang nakasuksok ang magkabilang kamay sa bulsa ng pants na suot nito.

"Nagkausap na kayo ni Kuya?"

Bahagya pa siyang napapitlag nang marinig ang tinig nito. Siguro nga ay may mata ito sa likod ng ulo nito.

Tumabi siya sa lalaki at ginaya ang ginagawa nito—ang pagtingin sa kalangitan.

"Why did you do this?"

"I want you to be happy."

"Alam mo ba talaga kung ano ang gusto ko para maging masaya ako?"

"To find your destiny. To be with the man you love."

"Yes. And I found him already."

Hindi siya sigurado subalit tila may dumaang sakit at pait sa mata nito. Subalit kaagad din iyong nawala at napalitan ng kalamigan.

"Sinabi ni Kuya Storm na tinanggap mo na raw 'yung alok na pag-aaral sa ibang bansa."

Tumango ito.

Lumunok siya dahil tila nagbara ang lalamunan niya. Mabuti na lamang at nakatingala siya kung kaya't mapipigilan pa niya ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Maisip pa lamang niya na aalis na ito ay ibayong sakit na ang nararamdaman niya.

Paano pa kapag umalis na talaga ito?

"G-good for you, then." Muli ay napalunok siya. Tila balde-baldeng buhangin ang ibinuhos sa lalamunan niya ngayon. "You've been waiting for this, right? You can now reach your dreams." And I'll be waiting in the sidelines as you reach your dreams.

Natawa ito subalit sa pandinig niya ay salat iyon sa emosyon. "I made the right decision, then."

"Yes, you did."

Hindi na ito nagsalita pa. Siya naman ay natahimik na rin. She could feel that she would break down in a minute or two.

Mahirap pala talagang i-let go ang lalaking mahal mo lalo na kung iyon 'yong huling bagay na gusto mong gawin.

Naramdaman niya ang init ng titig nito sa kanya. "Thank you for being with me for the past days. But then I realized that I truly had no feelings inside my body."

She felt as if her heart was being crushed into tiny bits because of that sentence.

"I know someone out there will love you the way you deserve to be loved, Ashleigh. But it's not me. I'm sorry."

Tears brimmed in her eyes and it took all her willpower to stop it from flowing. She realized that every feeling she thought he felt for her was just her imagination.

Tumayo na siya at tinalikuran ang lalaki. Malalaki ang hakbang na iniwan niya ito. Pagkapasok sa loob ng bahay ay ang malungkot na mukha ng kapatid nito ang bumungad sa kanya.

She let her tears ran down now that Rein wasn't beside her.

"He never did love me. He never did. Hindi niya ako natutunang mahalin..." umiiyak na aniya.

Ngayon, mas mailalarawan na niya ng maayos ang heartbreak sa mga nobela niya dahil naranasan na niya iyon. Hindi pala iyon gan'on kadali.



REIN almost grabbed Ashleigh when she stood up and walked away from him. Ganoon na lamang ang pagpipigil niya upang pigilan ito sa pag-alis at aminin ditong kasinungalingan ang lahat ng sinabi niya.

Gusto niyang aminin sa babae na natutunan na niya itong mahalin, na mahalaga na ito sa buhay niya ngayon. Subalit nagpatalo siya sa sakit na nasa puso niya.

When he heard that it was his brother in her dreams, he panicked. Ashleigh said that it was destiny that brought him to her. But what if it wasn't him for her but the person on her dreams which was his brother?

Hindi niya alam kung makakaya niya kapag dumating ang araw na sasabihin nitong ang kuya niya ang tunay nitong mahal at hindi siya kung kaya't inunahan na niya ito. He told her those lies just to protect his heart.

But when he heard the heartbreak in her voice, he almost lose it. Pero gusto niyang maging masaya si Ashleigh. Siguro ay ang kuya niya ang makapagpapasaya dito. Since his brother was her soulmate, her destiny.

And if she truly did loved him like what she always said, hindi siya nito ganoon-ganoon na lamang hahayaang umalis ng ibang bansa, hindi ba?

But no! She accepted the news as if he was just telling her the weather on their country. Ni hindi siya nito pinigilan, ni hindi ito tumutol.

It just showed that her love for him wasn't that big.

And it added to the pain he felt ten folds.

But Rein knew that he was just blaming her because he was a coward. Because he was hurt.

Subalit dahil mahal niya ito, mas gugustuhin na niyang masaktan ng labis kaysa ikulong ito sa ilusyon na siya ang mahal nito gayong ang kuya niya ang dapat na kasama nito.

Masakit pero kakayanin niya.

Magawa niya sana.

The Prince's Trial-and-error Love (Tennis Knights #8) (Published under PHR)Where stories live. Discover now