CHAPTER 82- NEAR TO END

Mulai dari awal
                                    

Nanatili akong nakatayo habang patuloy sa pagbubulongan ang lahat. Ako naman ay hindi maiwasang tumingin sa kawalan.

Ngayon ay aaminin kong mabigat rin ang responsibilidad ko sa laban na 'to. Hindi ako nagawang patulogin ng katotohanang mayroon mang mapahamak o wala, alam kong sa huli ako ang matatalo.

"Masyadong mainit."

!!??

Gulat kong naibaba ang tingin ng magsalita si James, lalaking-lalaki at talagang makisig. Maging ang combats ay gulat na napatingin sa kanya.

"Kailan n'yo ba ako papakitaan ng bodega na airconditioned?" matikas paring tanong nya, di ko maiwasang mamangha kung gaano katigas ang James na nakikita ko ngayon.

"Malakas ang loob mo na maliitin ang bodega ko, bata." nagngangalit na usal ni Hither, nanatili naman aong nakatayo at pinagaaralan ang bawat galaw nila.

Walang kakaiba, mukhang napapaniwala nga namin sila.

"Pagmamaliit na pala ang tawag ngayon sa pagsasabi ng totoo." muling sambit ni James, hindi na namin nagawang sumabat.

"Kung ganoon ay bigyan mo sila ng malamig na tubig, ngayon rin." utos ni Hither sa isa sa mga taohan nya, agad naman rin iyong sumunod, "Ngayon ay gusto kong malaman kung gaano na kayo kabihasa sa pakikipaglaban." ang malumanay ngunit gasgas nyang boses ang nagpapawala ng sistema ko.

Nailibot ko nalang ang paningin sa buong bodega. Ngayon ay iniisip ko kung nasaang bahagi nitong bodega nakasuksok si Cashannea. Naguumapaw na kaba ang nararamdaman ko, napakraming taohan ni Lithor ang nakikita ko ngayon. Isang maling ingay at galaw ay katapusan na naming lahat.

"Mabalik ako sayo, bata. Ilang taon ka na?" tanong ni Hither habang diretsong nakatingin sa akin.

"Labing-walong taong gulang." tugon ko, napatango ulit sya bago inilipat ang tigin sa katabi kong si Drake.

"Ikaw, tayo." ramdam ko ang gulat kay Drake, kinakabahan ako sa maaaring isagot nya.

Naupo ako kasabay ng nangangatog na pagtayo ni Drake. Ipinunas nya pa ang kamay sa likuran ng pantalon na suot nya bago tumayo ng tuwid.

"Labing-siyam--"

"Hindi pa kita tinatanong."

Hindi ko maiwasang mahimas ang batok ko, tumatakbo ang oras para makipagdiskusyonan ng ganito. Ang inaasahan ko ay laban agad.

"Ah hehe, pasensya na." tugon ni Drake habang napapakamot rin sa ulo.

"Magandang lalaki ka rin, matibay naman ba ang buto mo?"

"Matibay pa ho ang mga buto ko kesa buto nitong katabi ko."

"Kung ganoon ay ikaw naman ang tumayo." biglang pagbaling ng tingin ni Hither kay Shawn. Walang panginginig at takot na sinunod ni Shawn ang utos ni Hither.

Magaling rin sa sagutan to, abogasya ang gustong kunin eh.

"Ayaw kong magkaroon ng mga taohan na may nakakamanghang itsura, alam mo ba yon totoy?" tanong ni Hither, nanatiling diretso ang tindig ni Shawn.

"Hindi."

"Ngayon ay alam mo na."

Hindi na pinatagal ni Hither ang pagharap kay Shawn at agad na inilipat ang tingin sa ikatlong lahi.

Katapusan na..

"Sa kadahilanang magkakadikit nalang rin naman kayo, tumayo kayong apat." utos ni Hither, walang alinlangan at matikas namang tumayo ang apat. "Maganda ang pangangatawan nyo, masarap isabak sa laban." nakangising sambit ni Hither habang palipat-lipat ang tingin sa tatlo.

YOU'RE THE GREATEST GIFT [COMPLETED] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang