ILY

213 8 1
                                    

March 31

Huhuhu. Malapit na matapos yung school year, mamimiss ko classmates ko huhuhu. Lalo na yung isa diyan ehem ubo ubo!

So dahil mabait naman yung adviser namin, binigay nalang samin yung buong day na 'to para magsaya saya at i-enjoy ang oras daw with classmates.

Kinuha ko ang diary ko sa bag ko at nahuli ko nanamang nakatingin sakin si Tristan, future hubby ko–charot na may harot.

Nako nako crush ha! Napapaghalataan tigil tigilan mo ko, charot ulit. Malay mo may dumi sa mukha ko kaya nakatingin sakin noh?

Dahil mahiyain ako–medyo, pinagpatuloy ko nalang ang gagawin ko. Kinuha ko ang diary ko sa bag ko at nagsimulang gumawa ng codes, hobby ko yan.

Pagtapos kong magsulat ay may nag-pop out na idea sa isip ko para sa pagtatapos ng school year.

Kumuha ako ng pink colored paper at nagpunta sa unahan ng mga upuan at ibinigay yung colored paper at ballpen sa kaklase kong nasa pintuan malapit.

"Sis, drop a short message for me, hehe tas pasa mo sa katabi mo." I said.

"Sige sige"

Bumalik ako sa upuan ko at nakita ko si Tristan na naka tingin lang sa labas. Gwapo talaga neto shet!

Nakita ko naman na pinasa na nung katabi ni Tristan sa kanya yung pink colored paper. Bago siya magsulat ay tumingin muna siya sakin kaya naman umiwas ako ng tingin at baka mapuno nanaman ng 'ayie' ang room.

Natapos ang time namin sa school at uwian na, nakabalik na din sakin ang papel na pina-ikot ko. Binasa ko isa-isa ang message nila na wala namang kakwenta kwenta–charot. Puro kase 'bye po, mamimiss kita' 'mamimiss kita oy ily as a friend' 'Sis! Wag mo ko kakalimutan ha, ily!(as a friend)' 'salamat sa lahat, mamimiss kita'. Eh malamang mamimiss nyo talaga ka-kyutan ko!

Hanggang sa napadpad ang magaganda kong mata sa message ni Tristan.

Hello, wala ako masabi eh haha eto nalang ILY NOT AS A FRIEND
-Tristan

WHAAAAAAATT?! OWEMJI!!!

Lumingon ako sa gawi niya at nakita kong nakatingin siya sakin at nakangisi sabay kindat.

Okay bye Mom, I'm getting married.

Novelettes Where stories live. Discover now