Future?

203 7 0
                                    

A/N: For best experience, imagine na kayo to ng crush mo HAHAHAH
...
"So who can recite the three laws of motion?" Our professor asked. Tinaas ko ang kamay ko sa pagsagot.

"Yes Ms. Onipa?" Before I answered the question, our room was filled by 'ayieee' 'hoi galingan mo present crush mo!' 'Nanoood yung future husband mo biles!'

Potangina? Nakakahiyaaaaa! Tumingin ako sa crush ko at nakita ko siyang ngumiti at nagpipigil ng tawa. WTF! ang gwapo talagaaaaa! So pagkatapos ng mahabang asaran, tsaka ko sinagot ang tanong ni Sir.

...

"Sorry talaga Dhane! Kailangan ko kasing bumawi sa tropa ko HAHAHA bye!"

"So ibig sabihin niyan uuwi ako magisa?! Sige na nga, dun kana bilis!" Pagtataboy ko sa best friend ko, I understand her naman. Dun na siya sa tropa niya letse.

At dahil maraming estudyante at puno lagi ang jeep, naisipan kong maglakad papunta sa konti lang ang mga sumasakay para makauwi na ako. Nakita ko naman ang crush ko na sinundo na ng mommy niya, sana all sinusundo.

Habang naglalakad ako, nakita ko yung kotse ni crush na parang huminto. Sa. Tapat. Ko.

Kaagad naman akong pinamulahan dahil nakita kong tinignan niya ko. Dali-dali akong naglakad palagpas sa kotse nila ng marinig ko siyang sumigaw.

"Dhanielle!" Omaygash I'm so so so shocked. Did he just call me by my name? Yieeee, tayo nalang dalawaaaaa~

Napahinto naman ako sa paglalakad at humarap ulit sakanila, sinenyasan niya akong lumapit kaya ako tong si tanga ay lumapit na parang aso sakanya.

"Ma." Pagtawag niya sa mama niya.

"Isabay na natin si Dhanielle, malapit lang din satin yan eh. Tsaka, future wife ko nga pala to."

Novelettes Where stories live. Discover now