A Night on a Convenience Store

464 8 3
                                    

@aisy_youuuu
"Napaka-letse! Kinginang buhay to."

Umiiyak ako hindi dahil mahina ako. It's just that hindi ko na kaya ang mga pinag-gagagawa ni Mom. Simula nang maghanap ng bagong asawa si Dad at iwan kami, parang ako nalang lagi ang may kasalanan sa mata niya. Lagi ako pinagbubuntungan ng galit niya.

Sinasabi niya dapat daw namatay nalang ako nung na-car accident ako. Yes! Sinabi niya yo'n. Buti na nga lang nabuhay pako pero nagka-amnesia naman. Kainis tong buhay ko!

Nag-impake ako ng gamit sa isang maliit na maleta. Dinala ko na yung allowance ko, extra money pati narin yung ipon ko. Nakakainis tong luha ko. Nagmumukha tuloy akong mahina! I pick up my car keys and went to the parking lot.

Nakita pa ako nung guard namin pero wala akong paki alam. I started the engine and ready to leave. Finally makakawala na rin ako sa impyerno.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na akong kamag-anak. Nasa ibang bansa na silang lahat. Fuck this life!

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa mamataan ko ang 7-11. Oo nga pala 24 hour convenience store yun. Nagdecide akong pumunta muna doon para bumili ng alak. I parked the car properly.

"Miss, may problema po ba?" The cashier asked me.

"Meron. At anong problema mo sa apat na red horse?" I asked her back.

"A-ah w-wala po"

The liquors has a total of P358.50 . Meron na lang akong 6,642. My gash!

Tumambay muna ako sa 7-11 at doon nag-inom. Wala rin akong pake kung pagbawalan ako ng cashier. It's already 1 in the morning.

Nakakaramdam na din ako ng pagkahilo. Feeling ko kung sino sino na nakikita ko. Apat na din yung cashier. Kanina dalawa lang yan. Ewan ko ba nahihilo yata ako.

I heard the bell on the door, rang. Hindi ko na pinansin. You know? Wala akong pake.

"Miss? Bawal po kaseng matulog dito." Nagulat ako at biglang napatayo sa boses na narinig ko. "Doon na lang po kayo sa kotse nyo kung gusto niyo pong matulog"

Dumeretso ako palabas na feeling ko gumegewang gewang na. Naramdaman ko nalang na muntikan na akong matumba dahil natapilok ako. Pero muntik lang kase bago pa ako matumba ay may pumulupot na kamay sa bewang ko at sinalo ako para hindi matumba.

"Sino ka?" Hindi ako makapaniwala na lasing na talaga ako! Naririnig ko rin kase ang boses ko, parang yung boses ng mga tambay na laging nag-iinom sa kanto. Nakapikit lang ang mata ko at hindi siya tinitignan.

He chuckled. What the fuck! Naidilat ko bigla ang mata ko sa gulat. Ang gwapo nung tawa at ngiti niya. "Okay. My name is Jhomar. And you are?" Para akong natulala sa sinabi niya. Ewan ko pero parang may kakaiba sa kanya.

Pero ano daw sabe? Jhomal? Jhamer? Jolina? Ay tse! Ewan basta gwapo. " Ah nice to hik! meet you hik! Kuyang Gwapo. I'm Krisella hik!"

He chuckled. Ba't ba tawa ng tawa to? Mukha ba akong clown? Pisti! "Hay! Bala ka nga diyan hik! Tawa ka ng tawa hik!" Dumeretso na ako sa kotse ko at dinukdok ang ulo sa manibela.

"Ay pisting yawa!" Napasigaw ako nang marinig ang katok sa bintana. Si Kuyang Gwapo pala. Nakasilip siya sakin mula sa labas ng bintana ng passenger's seat habang nakangiti. Binuksan ko ang pinto at umupo siya. Ay? Close tayo? Baka mamaya mang-rape nalang to bigla. Jusme!

"Hoy hoy hoy! Close ba tayo? Hik!" Shit this hiccup. At tumawa na naman siya.

"You're so funny. Mind telling me why are you here in exactly 2 in the morning?" Ay! Englishero si Kuya.

Novelettes Where stories live. Discover now