Highliter

189 7 0
                                    

"Okay class so we will be having long test tomorrow and after that, recitation, so be ready. Remember the reviewer I gave you? Ipapasa nyo din yan bukas para magamit ng iba, kaya magreview na kayo and highlight the most important person, things or statements you see para na rin sa lower section, class dismissed"

WTF? Recitation? Long test?! WTFFFF! Seryoso kayo diyan ma'am? Hays! Ako pa naman ang assigned sa bahay ngayon maghugas ng pinggan--

"Hays, ang daming rereviewhin"

Uy! Nagsasalita pala yun? HAHAHA akala ko kase na-pipi na. Crush ko nga pala, si Ry mahlabs, lol. Mahiyain, tahimik, gwapo, matangos ilong, maputi, at laging nakajacket!

At alam mo ba sa diary ko? May sarili siyang attendance--

"Angel"

"Ay jusko po may attendance!" Napasigaw ako ng medyo may kalakasan dahil sinundot niya ang pisngi ko. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya ngunit agad ding napalitan ng kakaibang...ngiti?

"Pagawa ako ng isang output sa ESP...please?" He said while pouting.

Ey ene be cresh weg keng genyen merepek eke ehe ehe--lul

"H-ha? Marami akong gagawin pero s-sige" pasalamat ka crush kita kundi sinampal lang kita diyan.

Babalik na sana ako sa pagiging tulig nang nakita kong nginitian niya ako at hinalikan ako sa pisngi. Hinalikan? Hinalikan?! HINALIKAN!!! PUTAPETE! WATDAPAKINENG SHIT IS HAPPENING?!

Nakita ko pa siyang sinulyapan ako bago lumabas ng pintuan. The f? Impernes malambot, dapat sa labi na, nahiya pa charot.

...

At dahil maharot ako, may dinikit akong note sa likod ng output na pinagawa sakin ni Ry.

'Ulul sa lips naman sunod ha'-- siyempre joke lang HAHAHA. Pero ang totoo niyan, dapat talaga ilalagay ko yun kaso nahihiya ako kaya tinago ko nalang sa bag.

'Welcome Ry!' Yun lang with matching emoji na kiss with heart na pinaghirapan ko pa idrawing.

Handang-handa naman ako ngayong araw. Yung reviewer okay na. Nakapagreview naman, konti. Mas focus ako kay Ry--chos!

Pag-pasok ko sa room ay saktong 2 minutes lang ay dumating na si Ma'am, binilang ko bakit ba?

"Good morning class"

"Goooooood mooooooorniiiiing maaaaaaaa'am!"

Pagtapos magdasal ay nag-si-upuan na kami. Bigla namang may bisita kaya kinausap pa ni Ma'am.

"Angel, yung output nagawa mo ba?" Tanong nung asawa ko--charot

"Oo babes--joke, oo nagawa ko wait kukunin ko lang" patawa-tawa kong sabi.

"Babes?" Rinig kong tanong niya.

"Hindi joke lang yun--"

"Huy putek ka! Anong ginagawa mo sa likod ko? Huy! Ano yan!"

Reklamo ko nang maramdaman ang malamig na bagay sa likod ko na parang may sinusulat si Ry beybe papunta hanggang sa braso ko.

Wtf! Highlighter na green! Jusme naman baby, bakit mo to ginawa? Huhu.

"I just remembered what our teacher said yesterday, 'highlight the most important person...'"

Pa-english english pa. Akala mo talaga bagay charot.

"Ano naman dun?" Nakakunot parin ang noo ko, hindi maintindihan ang sinasabi niya.

"I just highlighted one important person in my life..."

Lumapit siya ng konti--charot. Lumapit siya ng lumapit hanggang sa ang labi niya ay dumampi na sa tenga ko.

"And it's you"

Ehe ehe! Ene be!

Novelettes Where stories live. Discover now