Best Friend

341 5 0
                                    

A/N: Na-publish ko na to, as a story talaga. Dinelete ko lang tapos nilipat ko dito para hindi makalat. Yun lang thanks.

...

"Yieeeee excited nako!!" sigaw ni Darl sa kanyang kinatatayuan sa labas ng apartment nila ng bestfriend niya.

Susunduin niya ngayon ang bestfriend niya at dahil maaga siya ng isa't kalahating oras, dumaan muna siya sa mall para bumili ng regalong pangwelcome dito.

Si Kaycie na bestfriend niya ay lumuwas papunta sa probinsiya nila para bisitahin ang kanyang mga magulang. Bumili sila ng apartment ni Darl 2 years ago para na rin doon sila manirahan at hindi mahirapan sa pag-aaral.

Nasa kasalukuyang 2nd year college na sila pareho at matataas ang mga pangarap nila sa buhay kung kaya't masipag at matiyaga ito sa pagaaral.

Pagkatapos bumili ni Darl ay agad siyang dumeretso sa airport. Mayroon pa siyang tatlum'put minuto para bumiyahe.

Pagdating niya sa airport ay agad niyang nakita ang bestfriend niya na naghihintay sa kanya don

Hala! Na late ako!

"Cyst!" tuwang tuwa na sigaw ni Darl. Cyst ang kanilang tawagan. Dahil ito'y katunog ng salitang 'sis'.

"Kamusta? Pagod ba?" tanong ni Darl sa kaibigan.

"Oo eh tara na uwi na agad tayo, nagugutom na rin ako eh" naka-pout na sabi nito.

Nag-arkila sila ng susundo sa kanila sa airport dahil wala naman silang kotse na sasakyan dahil nga mahirap lamang sila.

"Whew! Finally home!" nakahigang sabi ni Kaycie.

"Ay teka lang magluluto lang ako tapos pag tapos ko kwentuhan mo ko ah! Hoy ikaw pasalubong ko ha!" tawa-tawang sabi ni Darl.

"Oo na echusera ka"

...

"Oh eto na kain na, huy Kaycie!" sabi ni Darl habang inihahanda ang mga plato.

"Sandaleee! Nagbibihis lang ako" sigaw pabalik ni Kaycie.

Maya-maya ay bumaba na si Kaycie dala ang isang box.

"Ano yan?" usisa ni Darl. "Pasalubong ko oh!" binato ni Kaycie ito kay Darl.

Pagbukas ni Darl, naglalaman ito ng isang kwintas.

"Hoy ikaw! Ang mahal nito! Jusko! " naghihisteryang sabi ni Darl na akala mo'y hindi nagustuhan ang regalo.

"Okay na yan ang arte mo ah, pera ko yan pinagipunan ko talaga" pageexplain ni Kaycie.

"Okay na ba papa mo? Diba sabi mo may sakit?"

"Oo nung nakaraan lang, okay na siya"

"Ano na balita sa jowa mo?" tanong ni Darl

"Hay nako nakipaghiwalay nako, tangina kase"

"Ano nga?"

"Nakita kong may kasamang babae, gago talaga"

"Edi okay ka lang?"

"Malamang, nandyan ka naman hehe"

"Ngi! Labyo nalang cyst! Mwaps!" natatawang sabi ni Darl.

...

Mag-gagabi na at patuloy parin sila sa pagkekwentuhan hanggang sa nagdesisyon na si Kaycie na matulog dala ng pagod.

"Cyst, labyu ah seryoso nako" sabi ni Kaycie

~tok~tok~tok~

Tunog ng pagkatok mula sa pintuan nila.
"Sige na cyst, ako na" pagpresinta ni Darl.

"Sulat po para kay Ms. Darl Angelica Panti?" sabi ng lalaki na isang tagapaghatid ng sulat.

"Ah salamat po" may ngiting sambit ni Darl.

Dala rin ng pagod ni Darl, umakyat na siya sa kanilang kama upang matulog. Sa baba ng double deck na kama ay si Kaycie na mahimbing na ang tulog at sa taas ng kama ay si Darl na matutulog na ngunit naalala niya ang sulat para sa kanya.

"Galing sa mama ni Kaycie? " bulong niya matapos basahin ang nasa unahan. Tatanungin sana niya si Kaycie nang maalala niyang pagod ito at tulog na.

Darl,
Pasensiya na at ngayon lang kami nakasulat sayo. Kumusta ka na diyan iha? Wag kang mabibigla sa sasabihin ko pero sana matapos mong marinig ayon ay sana magpakatatag ka lang. Kase si Kaycie, naaksidente siya. At wala na siya ngayon. Nasa langit na siya, pasensiya na at iniwanan ka niya mag-isa diyan. Humihingi din ako ng tawad sayo dahil ngayon ko lang nasabi ito.
           
                               -Mrs. Patilla

Matapos niyang basahin ang sulat ay unti unting bumubuhos ang kanyang luha. Ayaw niyang tumingin sa baba ng kama dahil baka sa oras na tignan niya, wala na talaga si Kaycie at iniwanan na siya.

Pero matigas ang kanyang ulo at sinilip ang baba, at doon nakumpirma niya na patay na si Kaycie. Wala na ang matalik niyang kaibigan sa baba ng kama. Ang mga pangyayari kanina, ang mga tawanan nila, ang kwentuhan, lahat iyon ay hindi totoo.

Humiga ulit siya sa kanyang kama na nakapikit. Pero sa oras na yon, alam niyang may katabi siya. Pagdilat niya, humarap siya bigla sa gilid niya at nakita niya ang kanyang bestfriend na puro dugo ang buong katawan pati na ang mukha.

Titili na sana siya ng takpan ito ni Kaycie. "Handa ka na bang sumama, cyst?"

Novelettes Where stories live. Discover now