Comfort

10 1 0
                                    

A/N: for my school purposes only lmao

! PURE TAGALOG STORY !

TW : depression,su!cide, anxiety, family problem

--------

Alas tres na ng umaga ngunit hindi padin ako dinadalawan ng antok. Nakakapagod rin pala ang nakahiga buong araw. 


Ano kayang mangyayari sa akin sa hinaharap? Siguro hindi ko makakamit ang mga pangarap ko. Siguro titira lamang ako sa lansangan kasama ang mga basura. Kung ipapagpatuloy ko 'tong gantong klase ng buhay ko, baka nga mangyari.


Pero anong magagawa ko? Hindi ko kaya. Wala akong lakas upang makipagusap kahit na sa pamilya ko. Hindi nga talaga biro ang depression.


Pagkatapos ng halos isang oras na pagiisip ko at pag-iyak, tuluyan na akong nakatulog. Nagising ako sa malakas na hampas sa aking pinto.


"Ano 'di ka pa babangon dyan? Puyat ka nang puyat tapos tanghali kana gigising? Wala ka talagang nagagawang mabuti sa buhay mo." tinig ni Mama.


"M-Ma--"


"Bilisan mo dyan at bumaba kana! Sasabay ka sa amin kumain ngayon." matigas na sambit nya.


Natatakot ako. Paano kung--Sandali, pagkakataon ko na pala ito upang sabihin sakanila. Sana lamang ay maniwala sila, kahit ngayon lamang.


Nag-ayos na ako at bumaba upang kumain. Umupo ako sa kabilang dulo ng lamesa at kumain nang taimtim.


"P-Pa, Ma, may sasabihin po ako." Napatingin ang aking dalawang kapatid pati na rin sila Mama at Papa.


"Parang, p-parang may depression po a-ako.."


"Anong sinasabi mo?" matalim na ang tingin nina Mama at Papa sa akin habang hindi ako pinansin ng mga kapatid ko.


"Paano ka nagkadepression? Nasayo na lahat ng kailangan mo. May kwarto ka, may bahay na masisilungan, may gadyet, anong depression? Pinaglololoko mo ba kami ng Mama mo?"


Hindi pa ako nakakapagsalita ay sinampal na ako ni Mama. "'Yan ang natututunan mo sa online class mo? Kaya hindi tumataas ang mga grado mo katulad ng kapatid mo! Napaka makasarili mo naman! Binibigay namin ang lahat sainyo tapos may gana ka pang madepress? Bakit di mo gayahin yung kapatid mo.."


Hindi ko kailangan ng mga materyal. Kailangan ko ng suporta.


Hindi ko narinig pa ang ibang sermon ni Mama at Papa sa akin. Kaagad akong pumunta sa aking kwarto at umiyak nang tahimik.


Bakit hindi nila ako maintindihan? Magulang ko sila. Bakit hindi nila ako intindihin? Nahihirapan na 'ko.


Kinuha ko ang lubid na matagal ko nang tinatago sa ilalim ng aking higaan. Pwede na siguro? Magagamit ko na 'to.


Umiiyak kong sinabit ang lubid sa bubong at gumawa ng bilog sa dulo nito.


Sawakas, naramdaman ko din ang ginhawa. Paalam. Patawarin nyo ako. Patawarin mo 'ko, Panginoon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Novelettes Where stories live. Discover now