Uwian ng salubungin sya ni Nathan, bumati ito kay Anna, na nagpaalam na rin agad. Nathan held her hand, hindi sya umiwas. Hindi nya alam pero parang lutang sya habang pauwe, kaya nagulat na lang sya nang nasa tapat na pala sila ng bahay nila. Hinarap sya nito "I love you Avery..."
Bahagyang ngumiti si Avery "a-ahm gabi na Nathan... m-magkita na lang ulit tayo bukas..." tatalikod na sana sya ng pigilan sya nito sa kanyang kamay.
"masaya na kong sinagot mo na ko, pero I know in time na mamahalin mo rin ako, maghihintay ako..." seryosong sabi ni Nathan.
"s-salamat Nathan..." sagot ni Avery "s-sige na umuwi ka na Nathan gabi na..."
Kinabukasan, dumulog na sa hapagkainan ang dalaga nang makita ang mga magulang nang umagang iyon. "iha, tara na at kumain ka na..." yaya nang kanyang ina "sya nga pala, malapit na ang 18th birthday mo iha... kailangan mo nang planuhin iyon, I'll help you... sisimulan na natin ang pagpaplano anak..."
"a-alright mama..." mahinang tugon nya. Malapit na nga pala ang birthday nya, ni hindi nga nya naalalang malapit na pala.
"ma'am Avery may bisita po kayo..." sabi ng kanilang katulong.
"sino daw?" tanong nya habang patuloy sa pagkain.
"si Nathan daw po..."
Napatigil sa pagsubo ng pancake si Avery at tumingin sa katulong "a-ahm... sige po papasukin mo..."
"who's Nathan?" tanong ni Arnulfo sa anak. Bago pa man makasagot si Avery ay nakalapit na si Nathan "Good morning po..." bati nito.
"Good morning din iho, maupo ka... saluhan mo na kami..." alok ni Tasha dito.
Ngumiti ang binata at tumingin kay Avery, tiningnan muna ni Avery ang ama na wari ba'y hinihintay ang kanyang sagot. "a-ahm, dad,mom... si Nathan pop ala, b-boyfriend ko..."
"dalaga na ang anak ko" at tumawa si Tasha.
"maupo ka iho..." alok ni Arnulfo sa binata. Umupo naman ito katabi si Avery, agad na naglabas ng plato at mga kubyertos ang kanilang katulong at inilapag sa harapan ni Nathan.
"so ikaw pala ang boyfriend ng anak ko, gaano na ba kayo katagal iho?" tanong ni Arnulfo.
"kahapon lang po ako sinagot ni Avery, Sir" magalang na sagot ni Nathan at ngumiti.
"you don't remember Arnulfo?" tanong ni Tasha sa asawa "sya ang anak ni Antonietta at Miguel Ruiz..."
Manghang napatingin si Avery sa sinabi ng ina ngunit hindi sya nagsalita.
Napabaling ng tingin si Arnulfo kay Nathan "ikaw na ba yan Nathan? pasensya na iho hindi kita nakilala, ang Nathan na kilala ko ay nakasalamin and sorry for the term, medyo may pagka nerd..."
Bahagynag natawa si Nathan "it's okey tito, nagbago po ako dahil kay Avery..."
"iha Masaya ako at si Nathan pala ang boyfriend mo... sana kayo na talaga ang magkatuluyan di ba Arnulfo?" masayang turan ni Tasha sa mga ito.
"h-hindi ko alam na kakilala nyo pala ang mga Ruiz daddy..." sagot ni Avery.
"business partner ko ang mga Ruiz Avery... may share of stocks sila sa kompanya..." sagot ni Arnulfo at bumaling kay Nathan "sya nga pala iho, malapit na ang 18th birthday ni Avery, I want you to be her escort, total naman ikaw ang boyfriend ng anak ko..."
Ngumiti si Nathan "sure tito..."
Nakita ni Avery kung gaano ka-excited ang kanyang mga magulang nang malaman ang kanilang relasyon, pero bakit hindi sya mapalagay ng dahil doon.
Nang magpaalam na si Nathan ay hinatid ni Avery sa kotse nito, bago pumasok si Nathan ay hinalikan sya nito sa gilid ng kanyang mga labi, napatingin na lamang sya sa binata, habang ito ay nakangiti sa kanya at pumasok na ito sa kotse nito.
Brisbane, Queensland
Australia...
Inalalayan ni Nico si Yra makaupo sa kama nito, matapos iyon ay hinanda nito ang pagkain nilang dalawa, nakatitig lang si Yra dito
"Thank you Nico..."
Napatigil si Nico sa ginagawa at napatingin kay Yra "bakit ka nag t-thank you?"
Napangiti si yra "thank you kasi hindi mo ko iniwan Nico, sobrang thank you... hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan... ang swerte ni Avery sayo..."
Hindi nagsalita si nico at pinagpatuloy ang pag-aayos ng pagkain "kumain ka na Yra..." pag-iiba nito ng usapan.
"birthday ni Avery... Nico gusto kong umuwi tayo... " sabi ni Yra.
"no Yra, baka makasama sayo—"
Yra cut him off "I will ask my doctor if I can travel... don't worry, sa tingin ko naman papayagan ako, na stress lang ako nun... gusto ko kasing nandun ako sa mahalagang araw ni Avery..."
YOU ARE READING
When i'm with you (Complete)
RomanceWhat if na-realize mong mahal mo na ang isang tao kung kailan huli na ang lahat? Ikaw na ang umiiwas pero lagi pa rin syang nasa tabi mo, kaya sa bawat araw na nakakasama at nakikita mo sya ay lalong nahuhulog ang loob mo. Would you fight for your h...
