"Oh iha nandyan ka na pala. Tamang-tama nagluto ako ng meryenda…” sabi ng kanyang ina.
“tamang-tama tita, sakto pala ang punta ko dito” napatawa ang ginang sa sinabi ni Nico “magkasama pala kayo ng anak ko…”.
Nauna nang umupo si Nico sa lamesa, avery rolled her eyes at umupo sya sa tapat nito “ang lakas talaga nang radar mo pagdating sa pagkain” tumawa si Nico “syempre, paborito ko yata ito” tumawa ang ginang sa sinabi ni Nico at umupo sa tabi ni Avery “wala namang hindi mo paborito eh” tumawa si Nico bago sumubo nang cake na gawa ng ina ni Avery “basta gawa nyo tita paborito ko”.
Tumawa si Mrs. Tasha Villaroel “ikaw talaga bata ka binola mo pa ko, sya nga pala bakit paika-ika na naman ang lakad mong bata ka?”. Sumubo muna si Avery bago sumagot “bumagsak ako sa bike ma—“ hindi na sya pinatapos pa ng kanyanng ina sa pagsasalita “ikaw talagang bata ka… ilang beses ka nang nahuhulog sa bike mo, ang dami mo ng peklat”.
Hindi na nagsalita si avery dahil tiyak na sangkatutak na naman ang sermon na matatanggap sa kanyang ina, maya-maya pa ay bumaba na ang kanyang ate yra, pagtingin nya dito ay nakabihis na ito, nurse ang kanyang ate sa isang pampublikong ospital sa maynila. “Yra bago ka nga pumasok ay gamutin mo muna ang sugat ng kapatid mo”.
Tumabi si Yra kay Nico at kumuha rin ng isang slice ng cake “sumemplang ka na naman ano! Sabi na sayo eh tigilan mo na yang pagbibike mo e, gaya-gaya ka kasi sa cr—“ bago pa man naituloy ng kanyang ate ay sumabat na sya “eh ate gusto ko lang matuto noh”.
“ano na naman yan Avery! Ke-bata-bata mo pa crush crush na yang inaatupag mo!” sabi ng kanyang ina. napahagalpak ng tawa si Nico kaya tinitigan nya ito ng masama kaya tumigil ito. “ay nako kayo talagang mga bata kayo. Maiwan ko muna kayo. Yra gamutin mo muna si Avery bago pumasok” bilin nito kay yra at tumayo na din ito.
Nang matapos silang kumain ay umupo sila sa sofa para gamutin ang sugat ni Avery. Ang ate nya ay nakaupo sa carpeted floor nila habang nilalagyan nya ng gamot ang sugat ni avery, samantalang si Nico ay nasa ulunan ni Avery at nakayuko sa dalaga.
“aray!” maluha-luhang umangal si Avery dahil halos dukdukin ni yra ang kanyang sugat, kaya napasandal sya sa sofa at napapikit. Hindi nya napansin na nakalapit na ang mukha ni Nico sa kanya at tinititigan sya, kaya pagdilat ni Avery ay bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi nya alam ang gagawin dahil kapag nag-angat sya ng ulo ay tatama iyon sa mukha ni Nico.
“ayan na, papasok na ko!” nakalayo na ang mukha ni Nico ng mag-angat ng mukha si yra, napatingin naman si Avery sa kanyang ate “s-sige ate, ingat ka.!” Hindi alam ni Avery kung bakit lumakas ang pintig ng kanyang puso. Maya-maya pa ay nakangiting nagpaalam na si Nico sa kanya.
Dinama nya ang kanyang dibdib, napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib, kakaiba na ito.. bulong nya sa kanyang sarili.
YOU ARE READING
When i'm with you (Complete)
RomanceWhat if na-realize mong mahal mo na ang isang tao kung kailan huli na ang lahat? Ikaw na ang umiiwas pero lagi pa rin syang nasa tabi mo, kaya sa bawat araw na nakakasama at nakikita mo sya ay lalong nahuhulog ang loob mo. Would you fight for your h...
