Chapter 5

4.5K 90 0
                                        

“Ano ba kayo ang tagal-tagal nyo dyan. Gagabihin tayo sa byahe!” sigaw ng ina nilang si Tasha, napag-usapan nila na magswimming sa resort kung saan nagtatrabaho ang kanilang ama, para makita na din nila ito, naka-stay-in kasi ito sa resort nila sa boracay.

Patakbong bumaba si Avery kasunod nito ang kanyang ate Yra.  Paglabas nila ay nagulat si Avery ng bumusina si Nico “tara na!” sigaw nito mula sa kotse nito “tara na saan?”.

Napabaling sa kanya ang kanyang ina “inimbitahan ko si Nico na sumama, nakiusap ako sa kanya na ipagdrive tayo” tumahimik na si Avery at pagtingin nya dito ay nakangiti ito sa kanya. Tahimik lang syang sa durasyon ng byahe at hindi nya napansin na nakatulog na rin sya, isang marahang tapik sa kanyang pisngi ang nagpagising sa kanya “hmmm”.

Napangiti si nico ng mapagmasdan ang natutulog na si Avery, nauna ng pumasok ng hotel si Yra at ang ina nito, kaya malaya nyang napagmasdan ang mukha nito, she was so serene in her sleep, napangiti sya.

 she loved her so dearly kaya gusto nya itong laging nakikita at inaasar, bahagya nya itong tinapik ulit sa pisngi nito “my sweet Avery, nandito na tayo… sa hotel room mo na ikaw matulog ulit”.

Dahang-dahan nagmulat si Avery para lamang makita si Nico na nakatunghay sa kanya “where’s mom and ate?” tumuwid na ng tayo si Nico at nakangiti sa kanya “nasa loob na sila, ang hirap mong gisingin eh” tatawa-tawa si Nico dito. sabay silang pumasok sa kanila hotel.

“Nico pwede mo ba kong samahan sandali?” tanong ni  “Nico pwede mo ba kong samahan sandali?” tanong ni Yra dito, halos sabay mapabaling si Avery at Nico “sure!” sagot naman agad ni Nico.

 “ate sama din ako!” sabi ni Avery. Ngunit kapansin-pansin ang pag-iwas ng bahagya ng kanyang ate “a-avery. Ayusin mo na lang muna ang kwarto natin, we will share the same room” napakunot-noo na lamang si Avery sa inaakto ng kanyang ate, hindi na sya sumagot ng umalis na ang dalawa kaya dumerecho na lamang sya sa kanilang kwarto.

Nag-aayos ng gamit si Avery nang pumasok ang kanyang ate, paglingon nya dito ay nakatingin din ito sa kanya, hindi nya maipaliwanag ang binabadya ng kanyang ate tatanungin na sana nya ito kung meron ba itong problema nang sumungaw din sa kanilang pinto ang kanilang ina na si Tasha nasa likod nito si nico “ladies let’s dine out…” agad na tumayo si Avery “at last mom. Really, I’m starving”.

Napatingin si Avery sa kanyang ate, napansin nya na tahimik ito, napatingin sya kay Nico na casual lang na kumakain. “where’s dad?” at last nagsalita din ang kanyang ate. Napatingin dito ang kanillang ina “your dad? Well his busy¸ nagkaroon ng problema sa financing sa kabilang probinsya, but he will be here soon. Why Yra?”.

 Nag-iwas ng tingin si Yra “no mom… I’m just asking”. Nang matapos silang maghapunan ay agad na pumunta ang kanyang ate sa kanilang kwarto ganun din ang kanyang ina, hinatak naman sya agad ni Nico.

When i'm with you (Complete)Where stories live. Discover now