Sa wakas ay natuto na rin syang magbike, sabi nga nila kailangan talagang masugatan bago matuto ng isang bagay, napailing sya sa naisip, why she so corny today, nang makita nya si Nathan na nakaupo sa may bench sa playground ng subdivision, kaya pinuntahan nya ito, binangga ng kanyang bike ang inuupuan nitong bench kaya nag mag-angat ito ng ulo ay binati nya ito “hi Nathan!”
Alanganin itong ngumiti “h-hi Avery…” bati nito sa kanya. Bumaba si Avery ng kanyang bike, isinandal niya iyon sa gilid ng bench at tumabi sa kanya “mahilig ka talaga tumambay mag-isa sa bench ano?” marahang tumawa sya at bumaling dito.
Nakita nyang nakangiti sa kanya si Nathan, nawala ang ngiti ni avery at akmang tatanggalin ang salamin nito ng umatras ito “A-avery?”.
Nakatitig pa rin si Avery sa kanya “relax Nathan, I just wanted to see without your glasses on”. Sa pagkakataong iyon ay hindi kumilos si Nathan ng tanggalin nya ang kanyang salamin.
Nakatitig lamang si Nathan sa dalaga, napapitlag sya ng bahagya ng magsalita ito “oh… mas gwapo ka pala kapag walang salamin, mas gusto kokapag wala kang salamin” nakangiting sabi ni Avery.
Napatingin si Nathan sa mga labi ni avery, napalunok sya, binawi nya dito ang salamin at sinuot nya iyon at bahagyang lumayo kay avery “l-lagi kong suot ang salamin ko dahil Malabo ang mata ko” nagkibit lamang ng balikat si Avery sa sinabi ng binata.
Sakay ng kanila-kanilang bike ay magkasabay sila hanggang sa pag-uwi, hinatid nya si Avery sa kanila bago sya umuwi. Sa kanyang kwarto ay napatulala lang sya sa kisame,
Nakikita nya rito ang magandang mukha ni Avery, lalo na ng malapit ang mukha nito sa kanya ng tanggalin ang kanyang salamin, napalunok sya ng makita ang labi nito, he suddenly feel like kissing her, ngunit pinigil nya ang kanyang sarili kaya lumayo sya dito, napangiti si Nathan ng maalala iyon.
YOU ARE READING
When i'm with you (Complete)
RomanceWhat if na-realize mong mahal mo na ang isang tao kung kailan huli na ang lahat? Ikaw na ang umiiwas pero lagi pa rin syang nasa tabi mo, kaya sa bawat araw na nakakasama at nakikita mo sya ay lalong nahuhulog ang loob mo. Would you fight for your h...
