Napahinto si Avery ng makita si Nico na naghihintay sa may hardin. Para syang tinulos sa kanyang kinatatayuan ng lumapit ito at huminto sa kanyang harapan. Hindi nya alam ang gagawin kaya nanatili lang syang nakatingin dito.
“Avery….” Mahinang tawag sa kanya ni Nico.
“May kailangan ka Nico?” kaswal na tanong nya dito.
Matagal na tinitigan ni Nico ang dalaga… God, I missed you Avery… nais nya sanang sabihin ito sa dalaga ngunit pinigilan nya ang kanyang sarili, tumikhim muna sya bago nagsalita… “Pwede mo ba kong samahan?” nag-aalangan nyang tanong sa dalaga.
Nagtatalo ang puso at isip ni Avery, tiningnan nya ang binata, he saw longing on his eyes, nagyuko sya stop it Avery, nag a-assume ka na naman bulong nya sa kanyang sarili. “Nico, may gagawin pa kasi ako eh… pasensya na…” lalagpasan na sana nya ito ng pigilan sya nito sa kanyang kamay.
“Please Avery” nagmamakaawang sabi ni Nico sa kanya.
Naiinis sya, hindi nya alam kung bakit pagdating kay Nico hindi na nya alam ang tama at mali. Bahala na… sabi nya sa kanyang sarili “where are we going?”
Nico smiled “basta”, hindi pa rin nito inaalis ang pagkakahawak sa kamay ni Avery nang hatakin nya ito sa kanyang kotse.
Hapon ng makarating sila sa Enchanted Kingdom. She watched him from behind habang bumubili ito ng ticket. Bumilis ang tibok ng kanyang puso ng nakangiting lumapit ito sa kanya at pinakita ang dalawang ticket na hawak nito.
“halika na…” yaya Nico sa kanya.
“Teka Nico, bakit mo ko dinala dito?” nagtatakang tanong ni Avery dito.
“Please Avery. Pagbigyan mo ko. gusto kong bumawi sa’yo… gusto ko rin na bumalik ang dati nating samahan, alam kong kasalanan ko… kaya I’m sorry…” mahabang pahayag ni Nico.
Napatitig sya dito. ilang beses na ba syang napatanga sa mga ngiti nito. tumikhim sya at nag-iwas “h-hindi mo naman kailangang bumawi… baka hanapin nila ako…”
“Please Avery… pinaalam na kita sa kanila…”
“pumayag sila?” manghang tanong ni Avery dito.
“oo naman… bakit naman hindi? Tara na Avery para marami tayong masakyan…” nakangiting yaya sa kanya ni Nico.
Hinawakan nito ang kanyang kamay, hindi sya pumalag o umiwas… hinatak sya nito sa Realto kung saan mapapanood ang movie clips in 3D. Napalingon si Avery ng hawakan nito ang kanyang kamay, nakangiti ito sa kanya, kaya napangiti na rin sya.
Marami silang sinakyang rides. Pansamantalang nalimutan nila ang kanilang mga iniisip, nawala ang ilangan sa isa’t-isa at halos bumalik na rin ang dati nilang samahan.
Napangiti si Nico, kani-kanina lang ay kausap nya ito habang nagmamaneho sya, nagtaka na lang sya ng hindi na ito sumagot,nakatulog na pala ito. Nasa tapat na sila ng bahay nila Avery, gigisingin na sana nya ito ngunit napahinto sya at tinitigan ito. Pinagmasdan nya ang maamong mukha nito, ganun na lamang ang pagpipigil nyang haplusin ito.
“Avery…” he whispered.
Unti-unting nagmulat si Avery, nakita nyang nakatitig ito sa kanya. He’s about to kiss her ng agad syang umiwas “bababa na ko Nico, salamat…”
Sinabayan rin sya Nico sa pagpasok sa loob. Binati sila ni Tasha. Napatingin sya sa kanyang ate Yra na katabi nito, nagyuko sya, nakaramdam sya ng guilt dito, hindi nya kayang tingnan ang kanyang ate, agad syang nagpaalam at umakyat na sa kanyang kwarto.
She sighed. Hinayaan na naman nya ang kanyang sarili na lalong mahulog dito. pumayag sya kaninang sumama dito nang hindi iniisip kung may masasaktan man o wala, kaya pag-uwi nila ay nakaramdam sya ng guilt, kaya pangako nya sa kanyang sarili na iiwas na talaga sya kahit anong mangyari. she hope na matupad iyon.
YOU ARE READING
When i'm with you (Complete)
RomanceWhat if na-realize mong mahal mo na ang isang tao kung kailan huli na ang lahat? Ikaw na ang umiiwas pero lagi pa rin syang nasa tabi mo, kaya sa bawat araw na nakakasama at nakikita mo sya ay lalong nahuhulog ang loob mo. Would you fight for your h...
