Chapter 22

3.6K 88 1
                                        

Samantala.             

Pagbukas ni Avery sa kanyang locker ay may nahulog na sulat. She picked and read it.

May iniwan ako sa ilalim ng desk mo :) – N.R

“N.R? Nathan Ruiz… ano naman kaya ang iniwan nito…” bulong nya. Kinuha na nya ang kailangang libro, matapos nyang isara ang locker ay nagtungo na sya sa kanyang classroom. Umupo sya at kinapa ang ilalim ng kanyang lamesa. Nakita nya ang isang nakatuping card na nakadikit sa isang red rose. Binasa nya ang nakasulat sa card

Hindi pa ito ang surprise ko sa’yo… please meet me at the gazebo at the garden :) – N.R

She looked at her wristwatch. Matagal pa naman ang kanyang klase, she sighed… tumayo na sya at tinungo ang sinasabi nito.

Ang gazebo na tinutukoy na ito ay nakalagay sa gitna ng garden sa kanilang school at napapaligiran ng mga halamang namumulaklak.

Malayo pa lang ay nakikita nya na si Nathan na nakatayos a gitna ng gazebo at nakangiti sa kanya, lumapit sya dito. “Nathan? bakit mo ko pinapunta dito?” tanong nya dito

Hindi nagsalita si Nathan. nagulat na lang sya na may tumugtog na gitara sa kanyang likuran. Alam nya ang kanta kaya napalingon sya “all of me ni john legend? Ano bang nangyayari?”

“'Cause all of me

Loves all of you

Love your curves and all your edges

All your perfect imperfections

Give your all to me

I'll give my all to you

You're my end and my beginning

Even when I lose I'm winning

'Cause I give you all of me

And you give me all of you…”

Napatingin si Avery kay Nathan nang kumanta ito, maganda ang boses nito pwede nga itong gumawa ng sariling cover ng kanta. Hindi nya napansin ang pagdami nang estudyanteng nanonood sa kanilang paligid.

“anong ginagawa mo?” she mouthed.

Napangiti si Nathan at tinuloy ang kanta na wari ba ay ito ang sagot sa tanong nito

“How many times do I have to tell you

Even when you're crying you're beautiful too

The world is beating you down, I'm around through every mood

You're my downfall, you're my muse

My worst distraction, my rhythm and blues

I can't stop singing, it's ringing, in my head for you…”

“gusto kong sabihin na mahal kita, kaya kong maghintay…” sabi ni Nathan habang patuloy pa rin sa pagtugtog ang nag gigitara.

“Oh my! Avery… kung ako sa’yo hindi ko na hahayaang mahirapan manligaw si Nathan… sagutin mo na agad!”. Napatingin si Avery. more or less ay kilala nya ang sumigaw na iyon, si Anne, pinandilatan sya ito. Napansin nya rin na marami na rin ang nanonood sa kanila.

“Avery?”

Napatingin si Avery sa binata “Nathan napag-usapan na natin ito…”

“please Avery. give me a chance… maghihintay ako…” he pleaded.

Napabuntong hininga si Avery at tumingin dito “a-alright. I’ll give you a chance…”

When i'm with you (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon