“San ba tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Avery. Hatak-hatak sya nito papunta sa dalampasigan, ngunit hindi sumagot si Nico “teka, teka Nico, Ano ka ba anong gagawin natin dyan? Lulunurin mo ba ako?!” hindi malaman ni Nico kung matatawa sya dito, huminto sya at nilingon ito “hey anong pinagsasabi mo, bakit naman kita lulunurin” tumawa ito at nagpatuloy “I just want to be with you. Ayoko pa kasi matulog…”.
Napakunot ng noo si Avery dito “b-bakit hindi mo sinama si ate?” sumeryoso si Nico “eh gusto ko ikaw eh. Saka nakita mo naman yung ate mo pumasok agad ng kwarto” hindi alam ni Avery kung bakit parang lumakas ang tibok ng puso ni Avery sa sinabi nito ni Nico, ngunit hindi sya nagsalita.
Hinayaan nya itong umakbay dahil kahit hindi nya aminin ay gusto nyang nakaakbay ito sa kanya, saka naglakad sa gilid ng dalampasigan “gusto ko lang din magpahangin at maglakad-lakad my sweet avery nang kasama ka, look avery… ang ganda ng paligid habang papalubog ang araw” napatingin si avery dito at sumang-ayon.
“kamusta na kayo ng crush mo? Magkakilala na pala kayo” pag-iiba ni Nico, nakita ni Avery ang pagseryoso nito at pagraan ng kung ano sa mga mata nito, nagyuko sya at pinanood ang paghampas ng alon sa kanyang mga paa “kinaibigan ko sya, wala kasi syang friends eh, okey naman sya mabait”, muling nyang tiningnan ang binata at ngumiti dito.
“You know what Avery I saw his eyes sparkle whenever he’s looking at you, nakita ko iyon ng ihatid ka nya…” saad ni Nico. Hindi alam ni Avery kung anong nangyayari kay Nico, para itong nagseselos, pero inignora na lamang nya ang kanyang napansin dito, “hey, napaka seryoso mo naman. Ano bang nangyayari sayo?”.
Ngumiti ito at nagkibit balikat, nakita ni Avery na malungkot ang mata ni nico kahit na ngumiti ito. Hinigpitan ni Nico ang pag-akbay sa kanya
“Ano ba, mauunahan mo pa yung magiging boyfriend ko sa pag-akbay-akbay sakin eh!” reklamo ng dalaga, tumawa si Nico ngunit nanatili pa rin itong nakaakbay sa dalaga “Nanliligaw ba sya sayo?”
“hindi ah! Nico a, nagiging chismoso ka, saka bakit ba kanina ka pa nagtatanong at nagungulit tungkol don?” sumeryoso si Nico “ayoko lang na mapahamak ka…” nagtaka si Avery sa inaakto nito.
Hindi nya alam kung ano ang pinupukaw nito sa kanya. Huminto ito sa paglalakad at hinarap sya “you will remain my sweet Avery, ayokong mapahamak ka, hindi mo pa kilala yong taong iyon, k-katulad ng pagprotekta sa’yo ng mga magulang mo ng ate mo, ganon din ako…” hindi nakapag-salita si Avery sa kaseryosohan nito.
Nico kissed her forehead, hindi nya magawang umiwas, hindi nya maamin pero gusto nya ang pakiramdam ng ginawa ng binata. Tumingala sya para lamang makitang nakatitig si Nico sa kanya.
He bent his head ang claimed Avery’s lips. Hindi na nya napigilan ang sarili at hinalikan ang dalaga nang tumingala ito sa kanya.
Hindi umiwas si Avery nang halikan sya ni Nico. Nang matapos ang halik na iyon ay nakatitig lang sya kay Nico, there’s something in his eyes that she cannot comprehend. Gusto nyang itanong kung bakit nya iyon nagawa samantalang nagkakamabutihan na ito at ang kanyang ate. Biglang nanikip ang kanyang dibdib ng maalala nya ang kanyang ate, her sister will hate her pag nalaman nito ang naganap sa pagitan nila ni Nico, ngunit lahat ng nasa isip nya ay hindi nya masabi dito.
Napapitlag na lamang sya ng hawakan nito ang kanyang kamay pabalik sa tinutuluyan nilang hotel.
YOU ARE READING
When i'm with you (Complete)
RomanceWhat if na-realize mong mahal mo na ang isang tao kung kailan huli na ang lahat? Ikaw na ang umiiwas pero lagi pa rin syang nasa tabi mo, kaya sa bawat araw na nakakasama at nakikita mo sya ay lalong nahuhulog ang loob mo. Would you fight for your h...
