Chapter 11

3.8K 86 0
                                        

Mag-isang nakaupo sa canteen si Avery dahil absent ang kaibigan nyang si Anne. “h-hi Avery…” kilala nya ang boses na iyon kaya napa-angat sya ng paningin, ngunit nagulat sya sa nakita, si Nathan iyon, nakangiti ito sa kanya, nagpagupit ito at nag-iba na ang istilo ng buhok nito at wala na rin itong salamin “Avery?”

Napapitlag si Avery sa nakita “a-ay sorry Nathan, you’re different today…” tuluyan ng umupo sa upuang  nakaharap sa kanya at nawala rin ang ngiti nito “h-hindi mo ba nagustuhan?”

Napansin ni Avery na bigla itong naconscious sa kanyang harapan, marahan syang umiling “n-no… I like it. Where’s your glasses? Hindi ba malabo ang mata mo?” napangiti na ng tuluyan si Nathan “I’m wearing contacts…”

Nang matapos ang break ay sinabayan sya nito sa pagpasok, totoong gwapo si Nathan lalo na ngayong nag-iba ito ng ayos, kaya maging ang iba nilang kaklase ay talagang humanga na rin dito.

Magkaiba sila ng last subject kaya hindi nya ito kaklase bago mag-uwian, kaya nagulat sya ng salubungin sya nito “Avery sabay na tayong umuwi…” nagulat man ay nginitian nya ito at pumayag na magsabay silang umuwi.

Nang nasa tapat na sila ng bahay “salamat Nathan…” bahagya syang ngumiti dito.

Ngumiti rin ito sa kanya “wala iyon…” nagulat sya ng hawakan nito ang kanyang kamay at dinala sa mga labi nito, kaya nanlaki ang kanyang mga  mata sa ginawa ni Nathan, agad nya itong binawi “s-sige salamat ulit papasok na ko sa loob…” agad syang pumasok sa kanilang gate at hindi na nya nilingon kung nakaalis na ba ang binata.

Nag-alala si Nathan, naisip nya na baka nagalit ang dalaga sa kanya dahil sa kanyang ginawa kaya tumalikod na lamang sya at umuwi.

When i'm with you (Complete)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz