Napapitlag si Avery ng tapikin sya ni Anna, kasalukuyan silang naglalakad sa loob ng campus habang naghihintay ng sunod na klase. “Avery may problema ka ba? Kanina ka pa tulala ah… wala ka na naman sa sarili mo…”
“w-wala Anna…” yumuko si Avery para maiwasan ang nagdududang tingin ng kaibigan. “Avery kilala kita… ganyan ang kinikilos mo kapag may problema ka eh. Nandito lang naman ako para makinig… pero kung hindi ka pa handa—“
“Anna… nasasaktan ako…” nararamdaman nyang malapit nang tumulo ang kanyang mga luha kaya humugot sya ng malalim na hininga upang mapigilan ang tuluyang pagtulo nito. napansin iyon ni Anna kaya hinila sya sa lugar kung saan walang masyadong tao “okey Ave… I’m listening…”
“alam mo naman kung gaano kong pinigilan, hindi ba? Pero bakit nasasaktan ako?” hindi na napigilan ni Avery ang pagtulo ng kanyang luha.
Anna hugged Avery to comfort her, “I know… Si Nico na naman…”
“Anna… ikakasal na sila… buntis si Ate… I should be happy for both of them, pero taliwas iyon sa talagang nararamdaman ko… hindi ko sana hinayaan ang sarili kong lalong mahulog sa kanya… pero kahit anong gawin ko, kahit hindi tama, parang pakiramdam ko pag magkasama kami iyon ang tama” sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ni Avery… nagpasalamat sya dahil nandyan ang kanyang kaibigan upang pagsabihan nya ng kanyang nararamdaman.
“Sshh… tama na Avery... lets go out more often, I’ll help you. Pwede rin natin isama si Nathan…” pang-aalo ni Anna sa kaibigan.
Natigilan si Avery, siguro kaya nyang kalimutan ang nararamdan nya para kay Nico, nagawa nga nyang ituon ang pansin nya kay Nathan dahil mabait naman ito... tama nga siguro si Anna, they will go out more often para kahit papaano ay malimutan nya si Nico paunti-unti.
BINABASA MO ANG
When i'm with you (Complete)
RomanceWhat if na-realize mong mahal mo na ang isang tao kung kailan huli na ang lahat? Ikaw na ang umiiwas pero lagi pa rin syang nasa tabi mo, kaya sa bawat araw na nakakasama at nakikita mo sya ay lalong nahuhulog ang loob mo. Would you fight for your h...
