Habang abala ang karamihan sa kasayahan sa kanilang garden ay nakita ni Yra sa Nico sa mini bar ng kanilang bahay, napapalatak sya nang makalapit dito "tsk Nico. sabi ko tumigil ka na sa pag-inom".
Tiningnan lamang sya ni Nico at pinagpatuloy ang pag inom. Umupo si Yra sa tabi nito "yan tuloy, nalimutan mo yatang nasa kalagitnaan kayo ng sayaw... I wanted to make it special for the two of you kaya iniba ko yung kanta... hindi mo napigil ang sarili mo..."
Napayuko si Nico "I know..." he sighed "I just missed her so much, lalo na nang makita ko sya pababa sa hagdan... I wanted to run to her and be her escort the whole night... "
Napatingin sa malayo si Yra "I'm sorry... masyado kong naging selfish... alam kong pinipigilan mo lang na magalit sa'kin..."
Nico sighed "no... Yra, hindi ako galit... just promise me to tell it to them, at wag mo ng alalahanin ang nararamdaman ko..."
Napatango na lamang si Yra dito.
Inayos muna ni Avery ang kanyang sarili bago bumalik sa kanyang party dahil baka hinahanap na sya ng mga naroon, hindi nya alam kung bakit nakaramdam sya ng pagkapahiya, mabuti na lamang at laging nasa tabi nya si Nathan kaya parang bahagya syang naging komportable.
Pagod na pagod si Avery nang matapos ang kanyang debut, nagpaalam si Nathan sa mga magulang ni Avery matapos nya itong ihatid sa kwarto nito. palabas na si Nathan ng mapansin nyang nasa may bar counter si Nico at mag-isang umiinom, kaya lumapit sya dito at umupo sa tabi nito.
Hindi na nilingon ni Nico kung sino ang tumabi sa kanya, alam nyang si Nathan ito dahil nakita nya itong hinatid si Avery sa kwarto nito. Kumuha si Nico ng isa pang baso sa may gilid ng counter at sinalinan ito ng alak, walang kalingon-lingon na nilagay sa harap ni Nathan.
"I wanted to punch you for kissing Avery awhile ago, but I don't want to make a scene just like what you did..." panimula ni Nathan.
Hindi kumibo si Nico kaya nagpatuloy sya "ikakasal ka na kay Yra... pati ba naman ang kapatid nya? You're playing with them!" mariing sabi ni Nathan
Ininom ni Nico ang alak sa kanyang baso "you don't know anything...."
"what do you mean I don't know anything?! Alam nang lahat na engaged na kayo ni Yra...pero anong ginawa mo kanina?!" bumuntong hininga si Nathan upang kumalma "don't play with her... Avery is mine... palalagpasin ko sa ngayon ang ginawa mo kanina... girlfriend ko na sya... stay away from her..." tumayo na si Nathan at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay.
Naiwang nakatulala si Nico, tinungga nya ang lamang alak ng kanyang baso... sinalinan nya ulit ang kanyang baso nang may tumabi ulit sa kanya, hindi na nya na kailangan pang lingunin ito upang malaman na ito ang ama nila avery at yra. Kumuha ito ng shot glass at ito na mismo ang nagsalin ng alak at agad ring tinungga
"what happened awhile ago iho?"
Napapikit si Nico "I'm sorry sir... I know I created a scene awhile ago..."
"tell me young man... may dapat ba kaming ikabahala? O malaman?"
Tumingin si Nico dito at nag iwas ng tingin "I'm sorry tito pero wala po ako sa posisyon para sagutin iyon... isa lang ho ang masasabi ko... wala po akong gustong saktan. Kung meron man po hindi ko sinasadya..."
"alam mo bang gusto kitang suntukin kanina... hindi ko alam kung ano ang iisipin... you're hurting my two princess... I felt like strangling you... but I held myself, una pa lang may kakaiba sa inyo ni Yra, it's strange tho... iho I'm waiting for your explainations..." mahabang paliwanang ni Arnulfo
Ngumiti ng mapait si Nico "magpapasalamat pa ho ako kung sinuntok nyo ko kanina para natauhan na po ako... I hate seeing her cry and hurting.... I really love her sir... I really do..."
"is it Avery or Yra?"
Napatingin si Nico sa ginoo.
YOU ARE READING
When i'm with you (Complete)
RomanceWhat if na-realize mong mahal mo na ang isang tao kung kailan huli na ang lahat? Ikaw na ang umiiwas pero lagi pa rin syang nasa tabi mo, kaya sa bawat araw na nakakasama at nakikita mo sya ay lalong nahuhulog ang loob mo. Would you fight for your h...
