Chapter 22: By Chance

En başından başla
                                    

"I am her friend, may naiwanan lang siya sa kotse ko nung hinatid ko siya rito," pagdadahilan ni Bree para magsalita na ito.

"I'll try to page Miss Krista, Miss...?"

Napabuntong-hininga na lang siya. "Bree. Bree Capri."

May pagkilala na namilog ang mga mata ng babae. Pero pinili nitong magpaka-propesyonal. Magalang itong ngumit sa kanya.

"Noted, Miss Bree Capri," anito bago tinapat ang maliit na contemporary walkie talkie sa mga labi. Contemporary dahil walang antenna iyon. May pinindot ang receptionist na ilang buton at nagsalita. "Hi, Leandro. Pwede bang pakihanap si Miss Krista?"

'Yung celebrity, Ma'am Justine?

"Yes," nakangiti nitong sagot. "Pakisabi na may naghahanap sa kanya rito sa receptionist area." Sumulyap ito saglit sa kanya. "Miss Bree Capri ang pangalan. They can meet in the waiting lounge."

Copy.

"Thanks," tipid nitong ngiti bago binaba ang hawak na aparato. "Tara, Miss Bree," kilos nito palabas ng receptionist area para iwanan ang mga kasama roon. "I'll just assist you to our waiting lounge."

Nag-aalangan man na sisiputin siya ni Krista, tumango na lang si Bree. "Thanks."

.

.

VIRGO WAS IN THE MIDDLE of a conversation with a mayor in front of a wall mirror when a senator approached them. Nagbigay daan ang mayor at iniwanan silang dalawa.

"Senator Roman," ngisi niya rito. "How are you?"

"Great," tipid nitong saad, matiim ang tingin at puno ng kaseryosohan ang mukha nitong ginuhitan na ng edad at stress. "Nilapitan na kita habang may pagkakataon pa ako." Nagnakaw ito ng tingin sa mga kasama nila sa silid, naniniguradong walang makakarinig sa kanila.

"Mukhang seryoso nga ang gusto mong pag-usapan," inom niya ng kaunting alak. "Go on."

"Alam mo naman sigurong ang gulo ngayon sa senado. Mas marami ang nanalo mula sa oposisyon. Kung sakali man na ikaw nga ang manalong pangulo, hangga't nariyan ang mga iyan, hindi natin magagawa ang mga plano natin. There will always be these people who would disagree with our every action."

Virgo listened to Senator Roman with consideration.

"And worse, sinisiraan nila ang kapwa nila senador sa media, lalo na at hindi nila kapartido."

"So, what do you want to propose as course of action, Senator Roman" Virgo cooly replied. May ideya naman kasi siya kung saan tutungo ang usapang ito. Gusto lang niyang magmula iyon mismo sa bibig ng kausap.

"Well," sumilip ang pagkatuso sa mga mata nito. The senator did not smile, but his lips seemed to move in a way that it was about to do so. "You'll be the most powerful man in the government in a month or so, Virgo. Ibig sabihin, magkakaroon ka ng kakayahang gumawa ng order para mag-imbestiga at humanap ng pwedeng cause para..." he shrugged, pretending to be quite uneasy, "para... siguro mapaalis ang mga hadlang sa atin, at sa ating partido."

Bahagyang tumingala si Virgo, nasa kausap niya pa rin ang mga mata. Misteryoso ang klase ng tingin na pinasada niya rito.

"Masyado pang maaga para diyan, Senator Roman," aniya. "Bakit hindi mo ako hayaang, isa-isahin muna sila? Baka mabago ko ang isip at loyalty nila." Then here comes, Virgo's devilish grin as he threw an underlook at the older senator.

Ngumisi ito, pero nasa mga mata ang pagtataka. "How are you supposed to do that?"

"Dalawa lang naman ang importante sa isang tao, Senator Roman," angat niya ng ulo. "Pera o buhay nila."

SlideHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin